Chapter 192

1027 Words

Hinakawan niya ang balikat ng ina. “Hindi ka naman siguro idadamay ni Papa. Wala ka namang kinalaman doon.” Ang totoo ay hindi siya sigurado doon. Hindi niya masyadong kilala ang ama. Kanina lang sila unang nagkausap. Sa laki ng mga pangyayaring ibinunyag nito, di niya alam kung saan aabot ang galit nito at sino ang madadamay. Hindi na lang niya iyon sasabihin sa nobyo dahil tiyak na mag-aalala ito. Siya na lang ang bahala sa Papa niya kung saka-sakali. Hinawakan ni Francois ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito. “Sana nga hindi ako madamay. Ayoko kasi na magkaproblema tayong dalawa. Malaking bagay na nakakasama kita.” “Kumusta na si Tito Romualdo?” tanong niya. “Devasted.” Napailing na lang ito at nagpatuloy sa pagsubo ng soup. “Parang ngayon lang siya totoong nagluluksa kay Mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD