INILAPAG ni Amira sa harap ni Francois ang mainit na tsokolate habang nakasalampak ito sa harap ng fireplace. Malakas na ang ulan nang dumating sila ng Baguio. Animo’y nakikisimpatya ang langit sa dinaramdam ng binata. Silang dalawa lang ang nasa bahay nito dahil “Hindi ka na nakabalik sa opisina dahil sa akin,” malungkot na sabi ng binata. Nagkibit-balikat siya at umupo sa tabi nito. “It is okay. Nagbilin naman ako sa mga staff ko na i-forward sa email ang mga trabaho na kailangan kong gawin. Pwede kong asikasuhin iyon mamayang gabi o bukas pagbalik ko sa opisina.” “Sa palagay mo ba totoo ang sinabi ni Papa na hindi niya ako anak?” tanong ng binata na nakatulala pa rin sa apoy. Pinakatitigan niya ang binata. May hawig naman ito kay Romualdo. Pareho ang kulay ng buhok ng mga ito, l

