Hindi na niya kinuwestiyon nang mga oras na iyon kung dapat niya itong pagkatiwalaan o hindi. Ang kailangan lang niya ay maramdamang di siya nag-iisa. Kahit ano pa ang motibo ni Francois at kung ipapahamak din siya nito kalaunan ay saka na niya poproblemahin. Kailangan niya ang lahat ng lakas ng loob na makukuha niya pagharap sa ama nito. Pagpasok ng opisina ng presidente ay nagulat siya nang makitang hindi lang pala si Romualdo Mosqueda ang naghihintay sa kanya. Naroon din sina Brynette na nakayuko at parang hiyang-hiya at ang madrasta niyang si Caridad na prenteng-prente sa pagkakaupo sa high back swivel chair na animo’y isang reyna. Parang may pasadyang upuan para dito sa opisina ng presidente. Kung masama na ipatawag siya sa opisina ng presidente, dobleng bad news naman na naroon di

