NAKITA ni Amira na palakad-lakad sa Francois sa labas ng hospital room habang ginagamot ng nurse ang gurlis sa leeg niya. Di lang pala iyon ang sugat niya dahil may gasgas din siya sa braso at sa binti. “Ma’am, lagi po ninyong lilinisin. Medyo malalim po ang sugat sa leeg,” malumanay na sabi ng nurse. “Parang nakibaka po kayo sa halimaw.” “Halimaw talaga ang nakalaban ko,” sabi niya at sinulyapan ang mga kapatid niya na pawang ginagamot din. Wala doon ang Ate Yumi nila dahil inaareglo daw nito ang kaso nila. Kung hindi maaayos ang gulong iyon, baka maghimas sila ng rehas na bakal. Hazel ang pangalan ng babae at lumalabas na fiancé ni Attorney Guzman. Kaya nagngingitngit si Berry dito. Sa ibang ospital idinala ang babae at mga kaibigan nito para ilayo sa kanilang magkakapatid. Banta d

