Noon lang biglang nabuhayan ng loob si Amira. Sa wakas, may liwanag na para sa kanila ng nobyo. “Nagkita kayo ni Francois?” “Hindi. Nag-meeting sila ni Matyu. Nalaman nga niyang di ka kumakain kaya pinadalhan ka nito.” Nagningning ang mga mata niya. Cake! Handa siyang kalimutan ang pagfa-fasting niya kung pinadalhan siya ng cake na si Francois mismo ang nag-bake. Puno siya ng pag-asam at dinalaan pa ang labi habang takam na takam na hinintay ang pag-aabot sa kanya ng cake. “Tadaaaan!” anang si Berry at inilabas ang asul na sobre mula sa loob ng plastic bag ng cake. Iyon ang inabot nito sa kanya. “Love letter mula kay Tsef Aklay!” “Love letter?” dismayadong tanong ni Ailene. “Makakain ba iyan?” “Akala ko naman ‘yung cake ang padala ni Chef Aklay,” anang si Sky. Kinipit ni Berry ang

