Napaisip si Amira. Si Romualdo Mosqueda ang lalaking tinutukoy ni Caridad noong malasing ito. Nang bumalik siya dito, kasama na niya ang asawa at anak niya. Hindi na niya ako nahintay at ang masakit pa ay mahal na mahal niya ang babaeng iyon. Durog na durog ang puso ko. Nangarap ako dahil sa kanya pero binigo lang niya ako. Kaya naman nagsikap ako. At sa huli ay nagbayad sila. Naghirap sila. Tiniyak ko na maghihirap sila at sa huli ay magmamakaawa sila sa akin. Tiniyak ko rin na nagbayad ang babaeng umagaw sa kanya sa akin. “Si Papa? First love ni Tita Carrie?” tanong ni Francois. Nagulat na lang siya nang marinig nila ang pagkabasag ng isang bagay sa likuran. Nang lumingon siya ay nakatayo sa likuran nila si Manang Conching. Nakatulala ito at nakakuyom ang dalawang palad na parang h

