“TITA Liezl, nandito po ulit kami!” masayang sabi ni Amira nang ibaba ang bulaklak sa puntod ng ina ni Francois. Masaya nang inilatag ng nobyo ang picnic mat habang ang ama nitong si Romualdo ang naglabas ng pagkain mula sa picnic basket. Pangatlong araw na nila sa bayan ng La Motte d’ Aveillans, France na nasa paanan ng kabundukan ng Alps. Iyon ang bahay ng ina ni Francois at doon ito nakalibing. Noong unang beses silang pumunta sa puntod nito ay bumaha ng luha dahil naging emosyonal ang mag-ama. Iyon ang unang beses na bumalik si Romualdo matapos ang ilang taon. Kahapon ay hinayaan lang nila si Romualdo na maglagi sa puntod. At sa pangatlong pagdalaw nila, gusto ni Romualdo na maging masaya naman ang lahat. Sa wakas kasi ay napatawad na nito ang sarili sa pagkawala ng asawa. Magiging ma

