NATIGIL sa pagsubo ng salad si Amira nang tawagin siya ng madrastang si Caridad. Nasa lanai sila at nag-aagahan kasama ang mga kapatid niya. Madalang siya nitong kausapin dahil mas madalas nitong pagtuunan ng atensiyon ang iba niyang kapatid partikular na sina Eira, Sky at Mabel na malapit dito. “I am invited by a friend to have tea this morning. Sabi niya isama ko daw ang isa sa mga anak ko,” sabi nito. “Wala naman kayong date ni Francois ngayon.” Muntik nang bumaligtad ang sikmura ni Amira nang tawagin siya nitong anak. Di ba ito kinikilabutan? “Ahhh… sigurado po ba na ako ang gusto ninyong iharap sa kaibigan ninyo?” Tumango ito. “Of course. Na-realize ko na hindi pa tayo nagbo-bonding at di pa rin kita naipapakilala sa iba. My friend is curious about you.” “Ate Amira, sumama ka n

