Hindi mapigilang itapik ni Amira ang paa sa sahig ng kotse ni Francois habang pumapasok sila ng Sagada. Kanina pa siya kabang-kaba mula nang malaman niya ang balita na nagising mula sa coma ang kanyang amang si Alfie Banal. Di sila nag-aksaya ni Francois at sinimulan na ang anim na oras na paglalakbay mula Baguio patungong Sagada. “Easy, Amira,” anang nobyo sa kanya. “Hindi makakabuti sa iyo kung tensiyonado ka. Kung gising na ang papa mo, magandang balita iyon.” Piniga niya ang magkasalikop na palad. “Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Iba noong tulog siya at iba ngayong gising na siya.” Tinapik nito ang kamay niya. “You will be fine. At kapag nagkita kayo, mas maganda kung malalaman niya na maayos ang buhay mo at maayos ang pagpapalaki sa iyo ng nanay mo. I am sure he will b

