“ATE VERA Mae, ikaw na ang mamamahala sa food art?” tanong ni Amira sa kapatid habang kausap sa cellphone niya. Ayaw sana niya itong masyadong bulabugin dahil nasa honeymoon period pa ito at ang asawang tsismosong maggugulay na si Brian. Well, make that Kuya Brian. “Oo naman. Kapag naman birthday ni Lolo Alfonso ako ang namamahala sa food. Don’t worry. Ako na ang bahala sa mga kids. Pwede nilang taniman ng flowers at mga icing trees ang mga cupcakes nila,” excited na sabi ng kapatid niya. Mukhang gumagana na ang ideas sa utak nito. She decided that for their grandfather’s birthday celebration, she wanted to celebrate life and nature. Nalaman niya sa ina na isa pala ang lolo niya sa nagbigay ng malaking donasyon sa Nature’s Keeper. Her grandfather’s day would be their own version of E

