Magkahalo ang excitement at kaba ni Amira nang isa-isa nang pumasok sa mini-theater ang mga kapatid niya. Doon na nga ipina-serve ni Eira ang dessert nila dahil excited na daw ito sa bonding nila. “Excited na ako sa panonoorin natin,” sabi ni Eira. “Ate Amira, wala bang clue kung anong panonoorin natin?” “Maghintay ka na lang, Eira,” nakangiti niyang sabi. Ibinagsak naman ni Berry ang sarili sa kutson na theather chair. Yakap na nito ang isang bowl na popcorn at itinaas ang isang paa. “Sana si Papa Piolo ang palabas.” Isinampa pa nito ang paa sa arm ng upuan. Nakangiti lang na tinapik ni Yumi ang paa nito kaya napilitan itong ibaba. “Coco Martin,” anang si Vera Mae na umupo sa bandang taas. “John Lloyd-Sarah sana,”anang si Mabel. “John Lloyd-Bea ang gusto ko,” wika naman ni Sky.

