Biglang dumilat ang mata ni Amira nang marinig ang sagot ng kapatid. Tama na ang narinig niya? Bumoto ang lahat ng kapatid niya para sa proposal niya. Parang hindi totoo. Pumalakpak si Mrs. Fulgencio sa tuwa. Nang tingnan niya ang mga kapatid niya ay pawang nakangiti ang mga ito sa direksyon niya. “A-Anong boto nila?” naguguluhan niyang tanong at tiningala si Francois. “They voted for you,” anang nobyo niya na nakita niyang ngumiti nang totoo sa unang pagkakataon sa araw na iyon. Namamanhid ang mukha niya dahil di siya makapaniwala sa nangyayari. Ibinoto siya ng mga kapatid niya kahit na alam ng mga ito na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang lolo nila. Ano kayang nakain ng mga ito at ibinoto siya? Di naman siguro ito pinakain ni Francois ng cake na may gayuma kaya nagsiboto

