Nananakit na ang mata ni Amira sa kababasa sa mga ipinasang special project proposal ng team niya habang nasa library na ginagawa niyang work station. They were good. Really, really good. But not good enough for her. Matapos ang pag-aanalisa niya, mukhang hindi iyon ang mga proyekto na maari niyang i-present at i-develop anim na buwan mula ngayon sa board members at shareholders. Tumayo muna siya at napahawak siya sa lower back niya. Nang tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding ay alas tres na pala ng hapon. Sa verandah ng library na rin siya nananghalian kanina habang bitbit pa rin ang laptop at nagtatrabaho. Mukhang kailangan muna niyang lumabas sa lungga niya. Lumabas muna siya ng library at tumuloy ng kusina para mag-miryenda. Napakatahimik ng mansion. Kanya-kanyang aktibid

