Chapter 6

659 Words
NAGISING si Amira sa mabining haplos ng mainit na palad sa pisngi niya. “Amira, nandito na tayo. Miss, gising na.” Unti-unti siyang dumilat nang marinig ang boses ni Francois. “Hey!” aniya nang makita itong nakangiti sa kanya. “Nandito na ba tayo?” Tumango ito. “Oo. Mas makakapagpahinga ka sa loob,” sabi nito at inalalayan siyang bumaba ng sasakyan. She felt that tingling sensation when their hands touched. Teenager lang? Kinikilig? Pinagbigyan lang niya ang sarili dahil di naman siya nakakaramdam ng ganoon noong teenager niya. There was no harm in “kilig”. Kailangan lang siguro niyang tanungin si Estephanie kung may girlfriend o asawa na si Francois. Nang tingnan naman niya ang kamay nito ay walang singsing sa ring finger nito. Subalit nawala ang ngiti niya nang sa halip na si Estephanie ang bumungad sa kanya ay isang malaking mansion ang nasa harapan niya. Nnang iikot pa niya ang paningin ay nakita niya ang malawak na taniman ng mga citrus fruit at pine forest. The road where they came from seemed to go on and on and on. At wala siyang makitang ibang bahayan. She had a bad feeling about this. Natitiyak niyang di ito ang bahay ni Estephanie. “S-Saan mo ako idinala?” Galit niyang hinarap si Francois na nakasukbit ang bag sa likuran nito. “Nasaan ako? Hindi ito ang bahay ng kaibigan ko.” “Bakit naman doon ka tutuloy sa bahay ng kaibigan mo? May bahay naman ang pamilya mo dito. Welcome to Banal Mansion.” Nanlaki ang ulo ni Amira habang humahakbang paurong. Nasa lupain siya ng mga Banal. Nasa teritoryo siya ng kalaban. “No! No! I shouldn’t be here.” Inilabas niya ang cellphone para tawagan si Estephanie. Dapat ay tinawagan niya ang kaibigan niya para tiyakin kung sino ang sundo niya at kung mapagkakatiwalaan. Nahigit niya ang hininga nang makitang walang signal ang mobile network niya. Paano na ito? Paano niya sasabihin kay Estephanie kung nasaan siya? Nasa gitna siya ng kawalan, walang signal at napapalibutan ng kalaban. Paano siya makakalabas dito? “Miss, nandito ka na. Bakit di ka muna pumasok at magpahinga?” malumanay na tanong ni Francois. “No. Ayoko dito. This is k********g! Pwede kitang idemanda. Alam mo ba na lifetime imprisonment ang parusa doon?” tanong niya at namaywang. “Kusa kang sumama sa akin,” amused na sabi ng lalaki na parang di man lang nababahala sa banta niya. “Dahil akala ko ikaw ang sundo ko. Niloko mo ako.” “Ako naman talaga ang sundo mo. Di mo naman ako tinanong kung si Estephanie ang nagpadala sa akin. Hindi kita niloko. Hindi ko na kasalanan iyon. Malay ko ba namang ayaw mong pumunta dito? Ang utos lang naman sa akin ay sunduin ka,” kaswal na sabi nito. And he was right. Nag-assume lang siya na ipinadala ito ni Estephanie. How could she be stupid? Sa loob ng dalawampu’t tatlong taon niya sa mundo ay walang ginawa ang nanay niya kundi pagbilinan siya kung paanong huwag magpapadala sa simbuyo ng damdamin niya. Unang beses lang niyang nakakita ng guwapo at nag-evaporate agad ang common sense niya. Heto ngayon siya sa pugad ng mga Banal. Nasa pugad siya ng mga kaaway. Di man lang siya lumaban. She fell right into their trap. “Ibalik mo ako sa bayan kung ayaw mong idemanda kita,” utos niya sa matalim na boses. Subalit ikiniling lang ni Francois ang ulo. “I am sorry. Inutusan lang ako na ihatid ka dito. Walang utos sa akin na ihatid ka pabalik sa bayan kapag ayaw mo.” Inilahad nito ang palad sa direksiyon ng rough road. “Anyway, you are free to go if you want to.” Naningkit ang mata niya. The nerve of this man. Tama nga ang intuition niya kanina. Hindi niya ito dapat pagkatiwalaan basta-basta. At talagang paglalakarin siya nito sa kilo-kilometrong kalsada palabas. Impakto! She would love to wipe off that smug look on his handsome face. Kinuha niya ang malaking backpack niya mula dito at isinukbit sa balikat niya. “Sabihin mo sa amo mo, mali ka ng nasundong tao.” “Aklay, nandiyan na ba ang apo ko?” anang boses ng matandang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD