Chapter 66

822 Words

Nang dumating ang taxi niya ay nawala na rin ito. Siguro naman ay hindi na siya nito kukulitin pa. Di niya alam kung bakit nakadama siya ng kahungkagan sa dibdib nang mawala ito lalo na nang mag-isa na lang siya sa taxi. She felt a longing that she had never felt before. Uuwi siyang mag-isa sa lodging house. Mag-isa siyang magdi-dinner. Baka kumain na lang siya ng iluluto niya mula sa stocks niya o wheat bread na lang. Naisip tuloy niya ang romantikong gabing ihinanda ni Francois sa kanya. Isang masayang dinner na may tawanan, kwentuhan at alam niyang makakapag-relax siya. Pero hindi na mangyayari iyon. Ibang mga tao na sila ngayon. Hindi na ito ang Francois na kilala niya na pwede niyang pagkatiwalaan. Hindi na rin siya ang Amira na inakala nitong mauuto at mapapaikot nito. Masaya nga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD