" Ano kamo Ram? Pakakasalan mo ulity si Allyna? Kung ganun sana hindi mo iyan maging lisensya para patuloy na saktan at paluhain ang anak ko ... gaya noon... kung kailan na nakuha mo na ay saka mo hinayaang magdusa!" mapait na ani Aling Rebecca. Tumayo naman sa kinatatayuan niya si Mang Carding at hinaplos ang likod ng asawa. "Rebecca... kailangan nating tanggapin na mahal pa rin ng anak natin si Ram." " Hindi pa rin ako kumportable sa bagay na iyan! Wala na akong natitira pang tiwala sa lalaking ito Carding... kaya ikaw ang tatanungin ko Allyna...." kunway pumihit ang ginang at hinarap ang anak. Sinalubong ng ginang ng malamig na tingin si Allyna. Yung tagos sa buto ang hinanakit at sama ng loob. "Mamili ka Allyna! Kami ng Itay mo o ang lalaking yan?!" Pakiramdam ni Allyna tila may

