Fake Teacher 2:His Condition
"Your'e a fake teacher and I know it..."
Halos maibuga ko yung kinakain ko dahil sa sinabi niya.So,alam niya?Paano na kaya to?
Kinuha ko yung baon kong tubig sa bag at agad namang uminom.
"Are you joking?Ano bang fake teacher yang pinagsasasabi mo?"patay malisya kong sagot sa kanya.
"Wag ka ngang patay malisya,alam kong fake teacher ka,wag mo kong pagmukhang tanga."
Oo na oo na,wala na kong kawala dito,alam na niya at wala na kong magagawa pa.
"Oo na,fake teacher nga ako,pero paano mo nalaman?"
"Here's the happening. Just listen."
**********
*FLASHBACK (Marvin's Pov)*
"Ah,sorry."nakayukong sabi ng babaeng nakasaya sakin ,hiyang hiya siya dahil sa nalaman niyang niyakap niya ko magdamag.
"Wag ka ng mag-sorry,okay lang,sige baba ka na,ihahatid nalang kita sa inyo at magbibihis muna ako,hintayin mo ko sa labas."sagot ko rito.
Ewan ko kung anong nangyayari sakin,di naman ako ganito pero bakit ang gaan ng loob ko sa kanya?
Dali daling inayos ng babaeng nakasaya na yun ang sarili tapos lumabas na ng kuwarto ko.
Ang alam niya,nanatili ako sa kwarto pero alam niya lang yun,kasi sinusundan ko siya ngayon.Haha.Trip ko lang to,paki nyo?!
"Ang laki naman ng bahay na to!San ba yung daan palabas?"sabi niya sa sarili niya.
Lakad lang siya ng lakad,ewan niya kung saan yung daan palabas pero nakita niya yung isang napakalaking pinto kaya siguro napag-isip isip nya,yun ang daan palabas,binuksan niya ang pintuan,akala niya labas ang makikita niya pero nagkamali siya,office kasi to ng daddy ko.Wow.Ano kayang mangyayari?
Nang makapasok na siya,agad ko namang tinapat yung tenga ko sa pinto para marinig yung conversation nila.
"Sino ka po?"tanong ng babaeng yun kay Daddy.
"At bakit nandito ka?"
"Sorry po,naligaw lang,hehe...teka,bakit po nasa inyo yan?"tanong niya.
"Ah,eto ba?Napulot ko to,sayo ba to?"
"Ahm,opo."
"Bakit dala mo to?Mag-a-apply ka ba ng trabaho?"
"Opo!"masiglang sagot nung weird na babae.
"Nakita ko yung card mo,ang tataas ng grades mo,well I'm Mr.Woo,principal ako ng Nicolas University at may trabaho akong i-o-offer sayo."
"Ano po yun?!"
"This job is difficult.Pero alam kong kakayanin mo.Dahil hindi ko to binase sa edad mo kundi sa grades mo.And your job will be...
A FAKE TEACHER,YOU WILL TEACH THE BAD BOYS IN NICOLAS UNIVERSITY AND DISCIPLINE THEM FOR JUST THREE MONTHS..."
Haha!Sabi na nga ba eh.Kabisado ko tong si Daddy eh,hahanap ng hahanap ng paraan maturuan lang ako at yung barkada ko ng leksyon.
"Fe-fake teacher?Paano po yun?"
"Simple lang.Magtuturo ka lang sa last section pero ang pinaka-main goal ay disiplinahin yung kinikilalang bad boy group na G-Six para naman matauhan."
"Pe-pero,sorry po,ayoko po ng ganung trabaho."
"18,000 ang ipapa-sweldo ko.Libre ko na lahat,tanggapin mo lang yung offer ko,please?"
Haha!Natatawa talaga ako kay Daddy.Biruin mo?Nakapag-please pa sa isang werdo?Haha!
"Si-sige po,tatanggapin ko nalang po..."
"Thanks..."
"Pero paano po ba magturo?Di po kasi ako marunong eh."
"Bukas nalang natin pag-usapan yun.But wait!Ba't ka nga pala nandito?Ba't ka nakapasok dito?"
"Ahm.Kasi po,kasi po.Ahm..."
"Okay,I don't need your explanation,ihahatid nalang kita sa inyo since may gagawin pa 'ko."
"Ahm.Salamat po."
Agad akong bumalik ng kwarto ko,baka kasi mahuli akong nakinig sa usapan nila,mahirap na noh kung malaman nila?Di pa nga nagsisimula yung babaeng yun sa trabaho niya epic fail agad.Tsk.Tsk.Tsk.
Sa totoo niyan,marami ng teacher yung nagtangkang disiplinahin kami pero Fail sila palagi.Hindi nila kami kaya at walang makakapigil samin.Yung last adviser nga ng last section pinag-tripan namin kaya ayun!Di niya kinaya at nag-resign na.Paano pa kaya tong Fake teacher na wala pang experience?Tsk.Tsk.Good luck nalang sa kanya.Pero siyempre,ililihim ko to sa ka-tropa ko para naman may thrill.This will be remain as a secret.I'll spill it at the right time.
*End of Flashback and END OF MARVIN'S POV,Back to Klairol's Point of view*
*****************
"So,narinig mo yung pinag-uusapan namin ng Daddy mo?"kinakabahang tanong ko sa kanya.
"Yes..."
Lagot....Paano na kaya to?Alam na niya yung plano ng Daddy niya at yung gagawin ko!
At kapag nalaman ni Mr.Woo na alam ni Marvin yung plano...
MAWAWALAN AKO NG TRABAHO!!!
"Don't worry,safe yang secret mo sakin."pagpapatuloy niya at dahil dun,nabunutan naman ako ng tinik."But in one condition..."
"A-ano naman yun?!"Bago pa siya makasagot ay nginisihan niya ko at siya naman yung ikinaba ko.Ano ba yun?
"You'll be my tutor in all subjects."
Hahaha!Ang dali naman ng pinagagawa niya!Sisiw lang sakin yan!Ang dali lang kaya ng nile-lesson nila.You know why?Syempre ka-batch ko to no?Yun nga lang mas matalino ako sa kanya.
"Yun lang pala eh."
"Meron pa,aside from being tutor,ikaw rin ang mag-aalaga sakin,like what Maids do."
"Ano?!Eh bakit gagawin mo pa kong yaya?Eh napakarami namang yaya sa inyo?"
"Ayaw mo pa nun?Doble doble na sahod mo."Oo nga no?Yung sweldo ko kay Mr.Woo pwedeng madagdagan through for being maid for Marvin.Kaso...
"Don't worry,itatago kita kay Dad."
"Ha?!Paano?!"naguguluhan kong tanong.
"Just simple.Itatago kita sa kwarto ko."
"Ha?!Ayoko nga."
Awkward kaya pag nangyari yun.Imaginin mo,isang babae at isang lalaki sa kwarto tapos...ugh!Greeny Mind!
"Ayaw mo?Then I'll spill the beans."
Wow.Gumamit pa talaga siya ng idiomatic word?Nasa vocabulary niya pala yun?
"Oo na.Payag na ko."
"Stay in."
Ano bang 'stay in' yung sinasabi niya?Stay in na nasa loob lang?Hindi kaya...Oh my god.
"Ayoko nun!Bakit stay in pa?Paano yung apartment na ni-renta ko?Hindi ba pwedeng stay out nalang?Paano pag nakita ako ng Daddy mo?Ayoko!"
"I don't care about your apartment.I don't care about Dad.Later,4:00 P.M. Go to our mansion."
"Makikita nga ako ng-"
"I said,don't mind Dad.Busy siya."
Sabi ko nga.Pero paano yun?Sa kwarto ko siya matutulog?Katabi ko siya?Sa pagtulog????O.m.g
Di ko yata yun kakayanin.
"Ang sarap naman ng lunch mo.Fish paste (bagoong) and tuyo.Ayos yan ha.Pahingi nga."
For the second time,muntikan ko ng ibuga yung kinakain ko sa kanya (well,kung nagkatuloy yun,kadiri.) buti nalang napigilan ko.
Ano?Nagbibiro ba siya?Isang rich kid masasarapan sa bagoong at tuyo?
Hanga na sana ako sa kanya kasi akala ko siya lang yung mayamang nakilala ko na kumakin ng bagoong at tuyo,but I'm wrong.Ang ginawa niya?Grrrrr.×.×
Tumayo siya tapos hinawakan paitaas yung baonan ko.Sabay sabing...
"Hi everyone!Sino wala ng ulam jan?Eto oh!Bagoong at tuyo!Libre lang."
Nakita kong nagsitawanan yung mga estudyanteng dumadaan sa tapat namin.Yung iba halos mamatay na sa kakatatawa Sa bagay,di ko sila masisisi,mahirap lang ako,sila mayaman,wala akong pang-ulam at sila meron.Wala nalang akong nagawa kundi ang dumukdok sa tuhod ko dahil sa hiya.
Naramdaman kong may nag-lapag ng baonan sa ulo ko,tapos gumalaw ako kaya ayun...
Naligo ako ng bagoong na may kasamang kanin with kapirasong tuyo.
Wala nalang akong nagawa kundi ang magpunas ng panyo sa sarili ko.Yung baonan na natapon,agad agad kong tinakpan at nilagay sa bag ko.At pagkatapos non,agad akong tumakbo palayo.
Siyempre,ano pa bang aasahan mo?Kundi ang mga tsismosang estudyante at nagtatawanang estudyante.Amoy bagoong daw kasi ako at...Haaaaaaaay.Grabeng kahihiyan.
Napagdesisyonan ko nalang na umuwi na ng apartment.
Kaya eto ako ngayon,naglalakad mag-isa at nag-eemote at the same time.
Di ko inaasahan yung ginawa ni Marvin sakin,ang akala ko,siya talaga yung mabait sa G-Six kaso akala ko lang pala yun.Totoo pala kasi yung kasabihang,"Once a Bad Boy,Always a Bad Boy."Masama nga talaga yung ugali niya at hindi na yun magbabago pa.Gusto ko siyang iwasan kaso,paano yung trabaho ko?Mawawala nalang ng parang bula?Eh panu naman yung kondisyon niyang:
1.Be my tutor.
2.Be my maid.
3.Later,in 4:00 in the afternoon,go to our mansion.Bring your things and you will live with me.
Kasi kung hindi ko to susundin...
Mawawalan ako ng trabaho.
Paano pag nawalan ako ng trabaho?Paano na yung pag-aaral ko?Paano ako makakatulong sa pagpapagamot sa kapatid ko?Ang saklap naman kasi.Bakit ba kasi nalaman ng Marvin na yun yung secret?Haaaaysh. Wala na ko magagawa pa.
Di ko namalayang nandito na paka ako sa tapat ng apartment.Pumasok na ako at naligo para mawala na yung pagiging 'amoy bagoong' odor ko...Pagkatapos non ay dumeretso na sa study table at pinag-aralan ang mga lesson plans at teacher's manual.
****************
"Ugh.Ang bigat naman nito!"sigaw ng mamang driver sakin.
Actually pinabuhat ko sa kanya yung maleta kong punong puno ng damit at gamit ko.Tantiya ko mga 8 kilos yun.Pinabuhat ko sa kanya papasok sa mansion nila Marvin.
"Ugh!Napakabigat talaga miss,Sayo na nga yan!Um!"bigla nalang niya hinagis sa malayo yung maleta kong lumang luma na.Ano ba yan?Hindi pa nga kami nakakarating ng gate,hinagis na yung maleta At aba?Tumilampon yung maleta sa likod ng nagdidilig na yaya kaya panigurado,masakit yun,eh ano ang ginawa ng mamang driver?Ayun!Tumakbo! Baka ako pa yung masisi ng yaya! T,T
"So-_sorry po ate!"paumanhin ko aa yayang natamaan at thank god!Mabait siya,kinuha ko yung maleta ko then pumasok na sa gate,kaso...
"Maam,I.D."sabi sakin ng security guard.
"Utot mo manong guard!Pinapapunta kaya ako ni Marvin."tinabig ko siya para makadaan ako kaso,hinarangan na naman ako.
"Maam,hindi ka-"hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi may nagsalita sa bandang likuran niya.
"Let her in,or I'll kill you"dahil sa takot ng Security Guard,ayun!Binitawan niya ko at hinayaang makapasok ng mansion.Tiningnan ko naman kung sino yung nagsalita at dun nalang ako natigilan sa nakita ko...
Si Marvin...
Si Marvin na half n***d tapos tapos tapos!!!!Kyaaaaaaaaaaa!Mahihimatay na yata ako sa kilig!Kita yung abs niya tapos naka-boxer pa!!!!!Ano na yan!
"Oh!Ba't ka natigilan?Dahil ba sa abs ko?"
"Utot mo!Hindi tatalab sakin yang charm mo."
"As I see,tara pasok!"
Akala ko siya magbubuhat nitong maleta,haist.Ungentleman pala.Ugh!
Nang makapasok na kami sa mansion,as usual naliligaw pa rin ako kung walang mag-ga-guide sakin,napakalaki talaga nito!20 times larger than our house. Magaganda yung design,maraming yaya at basta!Yun na yun!Mayaman sila.
Para akong buntot na sumusunod kay Marvin.Nasa likod lang ako niya para kung makasalubong namin si Mr Woo,may matataguan ako.Malapit na sana kami sa kwarto niya kaso....
"Aray!"sigaw ko.Natapilok kasi ako tapos napa-upo sa sahig dahil namimiipt yung paa ko sa sakit.
"Lampa mo kasing babae ka eh!Ugh!"inis niyang sigaw tapos binuhat niya ko.Binuhat niya ako na parang bagong kasal!Huhuhu!Pinagtitinginan tuloy kami ng yaya!
"Ay?Babae na naman ni Sir Marvin yan?"
"Grabe siya,kagabi nga may inuwi tapos ngayon meron pa."
"Di ba siya yung babaeng nasa saya tapos may putol na takong?"
"Ay oo nga!Bakit,ganyan na ba yung teyst (taste) ni Sir?"
Di ko nalang pinakailaman yung tsismis ng mga yaya kasi sumasakit yung paa ko.
Nang makarating na kami sa kwarto niya,bigla niya akong nilapag sa kama at nginisihan niya ko.Wag mo sabihin na...
"Wag kang Green,kukuha lang ako ng Family Doctor namin tsaka kukunin ko yung maleta Mo..."
Pagkatapos non ay lumabas na siya.Hinihintay ko nalang yung family doctor nila.
**********
Ayos lang naman ako sabi ng Doctor,nabigla lang daw yung paa ko,at wala namang pilay.So ayun,nadala na ni Marvin yung maleta,lumabas na yung Doctor kaya kaming dalawa nalang dito.
Since dalawa naman yung kama dito sa kwarto niya,lumipat ako doon sa isa.Ang lambot lambot naman nito.Dati kaya iisa lang yung kama dito,baka naman pinalagay niya to kasi dito ako matutulog.
Pagkatapos ay nahiga ako...
"Hoy!Kaya ka nandito para maging tutor at yaya ko,hindi yung maging buhay mayaman jan!"
"Sabi ko nga...Eh ano bang gagawin ko?"
"Eh di yung ginagawa ng mga yaya.Take note.Personal maid kita at tandaan mo yan."
Bumangon na akong kama para maglinis,hinanap yung walis tambo at basahan kaso wala.
"Uy!Asan ba yung walis tambo niyo dito?"tanong ko sa kanya na kasalukuyang nakahiga sa kama niya tapos naka cross legs...Nanonood siya ng tv.
"Ano tingin mo sakin?Hanapan ng nawawalang bagay?Tingnan mo kaya sa baba."
Padabog akong dumeretso ng pintuan,eh kasi naman ayoko ng inaasal niya!Yung maka-utos akaka mo presidente ng Pilipinas.Sabagay,ano bang pinaglalaban ko eh mayaman naman sila?
Hahawakan ko na sana yung doornob kaso kusa itong gumalaw.Pagkabukas ng pinto,bumungad sakin si...
Oh my god!
"Mr.Woo?!"
Patay!