Fake Teacher 45-Four Days Third Person’s P.O.V. “Ako nga.” Napahinto sa paggamot si Kyla, natigilan si Ken at napatulala si Melvin kay Kurt na ngayon ay matamis at wagas kung makangiti. Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng tatlo ay may nakatagong lungkot na nararamdaman itong si Kurt. Labag sa kaniyang kalooban ang bumalik sa Nicolas ng walang paalam kay Kate at kay Marvin. Hindi na siya nagpaaalam... Basta basta nalang niya nilisan ang probinsiya ng walang paalam sa dalawa. “Long time no see huh?!” nakangiti pa si Kurt habang sinasambit ang katagang ito.Parang nakakita ng multo ang reaksiyon ng tatlo. Bakit siya nandito? Hindi man sinasabi ay pare parehas lang ng iniisip sina Kyla,Melvin at Ken.Sa gulat nila,ni wala silang nagawa kundi ang mapatunganga kay Kurt,maliban na lamang kay

