Fake Teacher 47-Project Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kikiligin sa mga sinabi ni Marvin kanina,aaminin ko,nangibabaw ang kilig na naramdaman ko pero hindi ko maiwasang ma-disappoint. Naiinis ako hindi dahil kay Marvin kundi sa sarili ko mismo. Oo,inis na inis talaga ako. Alam niyo ba yung feeling na gusto mong umamin pero hindi mo magawa? Yung gusto mo ng sumuko sa pagpapanggap pero labag sa kalooban mo? Oo,gusto ko si Marvin,tama naman siya eh,mataas ang posibility na maging ‘kami’ but that word “KAMI” ay hindi muna mangyayari. Kasi kung susuko na ako sa pagpapanggap na gusto ko siyang iwasan,kung aaminin ko sa kaniya lahat lahat...masyado pang maaga. Hindi pa oras para sa ugnayang iyon pero sana dumating din ang panahong mangyari yun,na hahantong kami sa happy ending dahil siya

