Chapter 51

3533 Words

Fake Teacher 51-Finding Him “Sigurado ka na ba sa desisyon mo anak?” “Opo. Sigurado na po. Siguradong sigurado po.” “Sana lang ay wag mo itong pagsisihan anak. Alam mo naman sigurong laging nasa huli ang pagsisisi. Ingat ah? Ako nang bahala sa requirements mo para sa paglipat mo ng eskwelahan." “Salamat po,Nay,Tay..." akma na sana akong hahakbang palabas ng pinto nang maalala kong hindi pa pala ako nagpapaalam sa mga makukulit kong kapatid. Kaya tumalikod ako. Pagkatalikod ko,hindi lang pala sina Nanay at Tatay ang nakatayo,pati din pala sina Bon at Annie na nagkukusot pa ng mata. Alas singko palang kasi ng madaling araw. Seven o' clock ang karaniwan nilang gising kaya nakakagulat lang na gising na ang dalawang cute kong chikiting. “San punta mo ate? Bakit may dala kang maleta?” -A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD