Fake Teacher 38-Gawaing Bahay "Kurt?" Hindi ko akalain na nandito siya,anong ginagawa niya dito? Unti unti kong nasisilayan na papalapit na pala siya samin.Nakita ko rin yung kotse sa may bandang kalsada at walang duda na kaniya nga yun. "What are you doing here?"naiinis na tanong ni Marvin sa kaniya. "Same to you,what are doing here?"sagot naman nito habang naglalakad palapit samin.Iniwas ko nalang ang tingin ko at lumingon sa likuran para sagutin 'yoong tanong ni Baby Anny kanina. "Ah,pareho ko silang classmate."tinulak ko na ng marahan ang gate at nang makapasok ay hinawakan ko ang kamay ni Anny. Lumingon muna ako sa likod para matingnan ang dalawa. "Marvin! Kurt! Wag na nga kayong magbangayan jan,tara na!"nasa labas palang kasi sila ng gate at kaming dalawa ni Anny malapit ng ma

