Sa wakas after almost 7 hrs na byahe nakarating din sila sa bahay nito, sang lupalop na kaya sila ngayon. Jusko po hindi pa din siya pwedeng makapante baka kasi dito na siya mismo tuluyan ng lalaki.
Hirap na kasi magtiwala, may trust issue na siya, at dad pa niya mismo ang nanloko sa kanila, af all the people ang dad niya pa talaga, kung hindi siya mismo ang nakarinig ng mga sinabi nito hinding hindi talaga siya maniniwala.
Napabuntong hininga siya,erase erase!! Balang araw matatanggap niya din ang lahat, at mawawala din ang galit niya sa dad niya.
Yeah.. This time gusto niya munang mapag isa,gusto niya munang makatakas sa dalawang lalaking minamahal niya na niloloko lang pala sila.
Hey!!
Napatingin siya sa katabi niya,nakababa na pala ito.
Ah andito na pala tayo!
Tumango lang ito.
Bumaba na din siya ng sasakyan, medyo madilim ang paligid, puro kakahoyan ang nakikita niya.
Bigla na naman siyang kinabahan.
Medyo malamig ang simoy ng hangin, napayakap siya sa sarili niya.
Napalingon siya kay Brandon, nauna na pala siyang maglakad dito,busy ito sa phone nito.
Kinuha niya din ang phone niya sa bag at binuksan ang flashlight, medyo madilim kasi hindi niya gaanong makita ang daanan.
Hey, wait tawag nito.
Ha, bakit?? Sagot niya
Hindi lang ito nagsalita at nagmamadaling lumapit sakanya.
Lalo tuloy siyang kinakabahan.
Magkasabay na silang naglalakad papunta sa isang malaking bahay na gawa sa kahoy at puro salamin.
Is this your house?? Wala sa loob na tanong niya.
Parang biglang nawala ang pag aalala niya ng makita ang bahay.
This house is so pretty!!! Bulalas niya.
Hindi niya napigilan na hindi humanga sa kagandahan ng pagkakadesign ng bahay.
Its a modern wooden house. A two storey house na napapaligiran ng mga punong kahoy at mga halaman. Excited na siyang mag umaga para makita niya lalo ang kagandahan ng lugar.
Nasa Pilipinas pa ba tayo?? Maang na tanong niya.
Napatingin siya kay Brandon.
Nakakunot lang ang noo nito.
Napabuntong hininga na lang siya.Ano bang klaseng tao to hindi man lang makausap ng maayos.
Nakapasok na nga sila sa loob ng bahay at lalo siyang humanga sa interior design nito.
This place is awesome, actually she can live here forever!! Pwede kaya??
Naiingit siya kay Brandon na nakabili ito ng ganito kagandang bahay.
Parang harmless naman talaga ang lalaki. Masyado lang siguro talaga siya nag ooverthink. Kung may gusto itong gawin sakanya malamang kanina pa sana niya ginawa diba??
Medyo nagi guilty din siya sa pag iisip ng masama sa lalaki.
Kasalukuyan na siyang nakaupo sa sofa sa may salas habang si Brandon naman ay umakyat sa taas.
Maya maya pa bumaba na ito, ahh nagpalit lang pala ng damit.
Naka plain white shirt ito at gray shorts. Meaning to say dito ito magpapalipas ng gabi?? Akala pa naman niya babalik agad ito sa Manila.
Ni hindi man lang nga pala niya alam kung nasang parte sila ng Pilipinas ngayon.
Lumabas ito ng bahay saglit at pagbalik may kasama ng dalaginding at matandang babae. Tingin niya ay magnanay sila dahil magkamukha.
Magandang gabi po mam.. Bati sakanya ng dalawa.
Magandang gabi din po, sagot niya sabay ngiti.
Pumasok na ang dalawa at dumeretso sa kusina.
Napapanis na ang laway niya.Wala man lang siyang makausap. Kakainis naman tong Brandon na to. Bat ayaw man lang siyang kausapin. Ganito ba talaga to? Parang hindi naman siya ganito dati, diba siya pa nga ung kumakausap sakanya dun sa stag party ni Ephraim??
Uminat inat siya. Hayyss gusto na niyang matulog. Kakapagod ang byahe nila.
Maya maya kana magpahinga, kain muna tayo.
Nagulat siya, wow mahaba haba ang sinabi nito ngayon ah.
Ok cge, sagot niya. Nakakaramdam na din naman siya ng gutom.
Nasa dining area na nga sila at ang daming pagkain,at halos mga paborito niya pa ang nakahain. Buttered shrimp,Sinigang na baka at inihaw na liempo. Kakagutom naman to. Namiss niya tuloy bigla si yaya tinay niya.
Hhhhmmm yum!!Ate ang sarap niyo magluto! Hindi niya mapigilang hindi purihin ang matandang babae sa mga hinanda nitong pagkain.
Salamat po mam,sabi nito.
Tumango lang siya at sumubo na ulit.
Pag ganito kasasarap na pagkain araw araw ang ihahain sakanya kahit siguro hindi na siya bumalik ng bahay nila.
Kanina pa tapos kumain si Brandon pero nasa hapag pa din ito at hinihintay siya matapos kumain.
Gentleman ah, suplado pero may gentle side.
Burrppp.. Ohh excuse me,I'm so full, thanks for the delicious foods ate. Sabi niya ulit sa matandang babae.
Yaya Rosa na lang po itawag niyo sakin, mam at ito naman po Si Rosemarie ang aking anak. Ito na nga lang ang nagpakilala sa kanya dahil hindi man lang nag aksaya si Brandon na ipakilala siya sa mga ito.
Ohh ok,Im Maci po, its nice to meet you po, sarap niyo po magluto..puri niya ulit sa matanda.
Tumayo na nga si Brandon ng makitang tapos na siya kumain.
Tumayo na din siya.
Mam maci, sasamahan na po kayo ni Rosemarie sa magiging kwarto niyo.
Ok po, salamat.
Hindi na niya alam kung nasaan ang lalaki, umakyat na nga din sila sa taas at sinamahan siya ni Rosemarie sa magiging kwarto niya.
She's so happy with her room,ang laki kasi nito,halos hindi nalalayo ang laki sa kwarto niya sa mansiyon, guest room ba to, cause its really quite big. Ang ganda ng color ng kwarto its so aesthetic,light brown and white,kumpleto sa gamit at may sarili ding cr,may cute na couch na color beige at may katabing book shelves na halos mga favorite niyang novels ang laman, pero ang mas nakatawag ng pansin niya ay ang mga tulips sa isang vase na nakapatong sa maliit na bedside table,may malaking closet din pero wala naman siyang malalagay iilang piraso lang kasi nadala niyang damit.Sana meron siyang mabibilhan ng mga damit, siguro naman merong mall dito. She's going to ask yaya Rosa tomorrow, papasama na lang siguro siya sa anak nito magshopping.
Tinignan niya ulit ang kabuuan ng kwarto at napangiti siya. This place calms her mind.
Nahiga na nga siya at dahil siguro sa pagod sa byahe ay nakatulog agad.
Kinaumagahan ay masigla siyang bumangon,weird, pero ang gaan ng pakiramdam niya ngayon.
Nakaligo na din siya at isinuot ang isang above the knee lavender floral sleeveless dress at flat sandals, nilugay niya lang ang mahabang buhok.
Lumabas na siya ng kwarto at palinga linga sa paligid. Hinahanap niya si Brandon papaalam siya dito na magshashopping siya. Mag wiwithdraw na din siya dahil wala na siyang cash, buti na lang may laman ang isa niyang bank account,sinesave niya kasi ung mga perang kinikita niya sa pagbablog.
Bumaba na siya,masyado bang napaaga ang gising niya? Wala pa kasing katao katao sa kabahayan, asan na kaya sila manang Rosa? Hindi niya din makita si Brandon.
Lumabas na lang muna siya ng bahay, gusto niyang makita kung gaano kaganda ang lugar, isa din ito sa dahilan kung bakit nagising siya ng maaga.
Ang ganda naman ng lugar na to, puno ng halaman sa labas, ang gaganda ng mga tulips, at lavender, nabubuhay pala to dito sa Pinas kala niya kelangan niya pang pumunta ng ibang bansa para makakita ng magagandang tulips.
Nagugutom ka na ba??
Ayyy kalabaw!!!
Nagulat naman siya dun. Nasa likod na pala niya si Brandon.
Ha!! Hindi pa naman.
Pinauwi ko na kasi sina yaya Rosa kagabi, ako na lang magluluto.
Oh, marunong ka?
Yeah, bat ikaw hindi???
Ma--marunong naman konti..
Ano nga ba alam niyang lutuin? Ni magsaing nga di siya marunong e
Pinauwi na niya?? So, paano siya dito pag umalis na si Brandon?? Nu ba yan, di niya ata napaghandaan to, may mga delata naman siguro dito yun n alang siguro kakainin niya.
Ahhmm malayo ba bahay nila yaya Rosa dito?? Tanong niya
Mga 10 kms from here, why??
Sino nag aalaga ng mga halaman dito?
May hardinero ako.
Ahh ok, ang gaganda kasi e
Yeah, favorite ng mom ko ang tulips, sabi nito.
Ahh, ako din e.. Wala sa loob na sagot niya.
Tumalikod na ang lalaki. Parang ngayon lang niya ito nakausap ng maayos.
Sinundan niya ito. Papunta siya sa kusina. Balak niyang tulungan ito magluto. Nakakahiya naman kasi nakikitira na nga lang siya di pa siya tutulong sa mga gawaing bahay diba??
Kasalukuyan itong may tinitignan sa loob ng fridge.
Anong lulutuin natin?tulungan kita.
Wag na, kaya ko na to. Sagot nito
Ahhmm marunong akong magluto ng pasta.
Naalala niya nagpaturo siya magluto dati ng pasta kay yaya tinay niya, favorite kasi yun ni Ephraim.
Oh really? You want to cook?
Yeahh. Medyo kabado siya, 1 time niya lang kasi na try magluto nun, pero naalala pa naman niya yung mga ingredients.
Nakisilip siya sa fridge, umusog ng kaunti ang lalaki, kinuha na nga niya yung mga kakailangin niya sa pagluluto ng pasta.
Haiisst, napasubo ata siya ah.
Sana naman hindi siya mapahiya diba..
Pinapanuod siya ni Brandon habang nagluluto, naku naman, balak pa naman sana niya isearch sa youtube kung paano magluto ng pasta.
Paano niya gagawin, e lahat ng kilos niya tinitignan ng lalaki,alam niya ba ang salitang privacy? Kahit sa pagluluto kelangan din nun nu. Pakiramdam niya tuloy nasa cooking show siya.
Kainis!!