KATE "As I said before, dapat nagrereview kayong maigi. Ang dami kong nakikitang tulala. 'Pag tapos na, pwede nang magpasa. Sa test sheet tumingin, wag sa katabi. Ms. Silovera, mukhang tapos ka na." Wala akong naiintindihan sa aking paligid. Kanina pa kasi ako nakatulala plus ang sakit ng ulo ko. Medyo nahihilo pa ako dahil may hangover pa ako. Nagulat ako at bumalik sa aking ulirat nang lihim akong sipain ni Skye. "H-Ha? Ano? Di kita magets." Nguso kasi siya nang nguso eh di ko naman alam kung ba't siya nakagano'n. Nakatulala lang ako at iniisip ang mga bagay-bagay samin ni Andy. Kinuha na lang ni ma'am Papadakis ang answer sheet ko at nagpasa na rin sina Skye, Claire at Alice. Tiningnan ko naman ang mga kaklase kong hirap na hirap kaya natawa na lang ako sa paghihirap nila. Pinal

