Sebastian It's a small world nga naman, akalain mo ‘yun makikita ko pa pala si Erika. I know it's a bit weird na bigla akong kinabahan sa pag dating niya. Pero totoo talaga, kinabahan ako sa pag dating ng bestfriend ko. I know pati si Alyanna, gano’n din ang naramdaman sa pag dating niya. Pinagtataka ko rin kung paano nakilala ni Arryl si Erika. His action became weird din no’ng nasa bar kami last night. Ano kayang mayroon sa kanila? Curious ako. Ito lang, wala sanang hindi magandang gawin si Erika sa amin ni Jai, ayaw kong masira ulit ‘yung relationship namin. Kasi kita niyo naman, we're going strong. Wala rin akong balita sa ina ko. I just want to live a peaceful life with Jai. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko. Calling... 09151*9*774 Sino kaya ‘to? “Hello?” Walang sumasagot.

