Jaimee May something talaga kay A eh, I’m sure with it. She’s taking our problem seriously. Hulaan niyo kung anong ginagawa ko ngayon? Ito sinusundan si A, para malaman kung ano bang nangyayari sa kanya ang weird niya kasi no’ng nakaraan, ‘di ba? Ang hirap nga nang ginagawa ko, e, kasi bukod kay A binabantayan ko rin si Seb. Kasi naman sinabi pa nila sa akin na gusto siyang makuha no’ng Erika na ‘yun! Mahirap na ‘no! Ang akin ay akin. Selfish na kung selfish. Mahal ko na ‘yung pinag uusapan, e! Oy! Bakit nasa office nila Lolo si A? Teka susundan ko nga. Dahan dahan. Idikit ang tenga sa pintuan, ops ingat baka marinig ka. Parang kang tanga Jai, kinakausap mo sarili mo na parang detective. “Alam mo bang masama ang pakikinig sa usapan ng ibang tao?” Napatingin ako sa nag salita. “Ah, Eri

