Contract Two: NO WAY!

1599 Words
Jaimee “Uhm. Is that a threat?” Hindi daw ako type, pero hahalikan ako. Abnormal ata ‘to eh. Nag smirk siya. Automatic na tumaas ang kilay ko. Akala niya ba bagay sa kanya? At kung tinatakot niya ako. Huh! Hindi ako takot sa kanya. Unti-unti niyang nilapit ‘yung mukha niya sa mukha ko. Parang nakaplaster na sa mukha niya ‘yung smirk niya. “Ayaw mo talaga pumikit?” Lalo siyang lumalapit sa’kin. Napaatras ako. Bakit ako napaatras? Natatakot ba ko? Kanino? Sa kanya? O sa halik niya? “Gusto mo talagang matikman ang halik ko?” “A-asa ka!” Lalo pa siyang lumapit. Wala na akong maatrasan. Pader na ang nasa likuran ko. Pipikit ba ko? Mukha siyang seryoso! Tsk! Sige na nga! “Pipikit din pala, gusto mo pa tinatakot ka.” Tinakpan niya ‘yung mata ko gamit ‘yung handkerchief. Bigla akong na stiff sa kinatatayuan ko. May dumikit sa labi ko. Did he…? “Anong flavor ng lip gloss mo? Ang tamis huh?” Nagkaroon na naman ng awang sa bibig ko. “Ang kapal ng mukha mong halikan ako! Boyfriend ba kita?!” First kiss ko ‘yun siya pa nakakuha! Nakakainis! Tatanggalin ko na sana’yung blind fold ko pero mabilis na napigilan niya. “Ano ba?!” “Ang ingay mo. Hindi mo nga ako boyfriend at hindi mo talaga ako magiging boyfriend kasi fiancée mo na nga ako ‘di ba? Remember that.” “Fiancee your face! I have my boyfriend kaya.” Bigla niya akong hinatak. “Aray huh!” “Mamaya na natin pag-usapan ‘yang boyfriend mo. ‘Wag kang sisilip d’yan sa blind fold mo huh?” Ang arte arte. May pablind fold blind fold pa. Siguraduhin niya lang na matutuwa ako sa regalo niya, kundi lagot siya sa’kin. Bigla akong nag stiff nung marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kinakabahan ako. Ano ba kasi ‘yung regalo nitong kumag na ‘to? “H-hoy! Ano ba talaga gagawin mo sa’kin Seb?” “Tanggalin mo ‘yung blind fold mo pag bilang ko ng tatlo, okay?” Tumango ako. Naramdaman ko ‘yung medyo pag layo niya sa’kin. “One… Two… Three!” Sabay tanggal ko sa blind fold. Napa wow ako sa aking nakita. “Seb, saan mo nakuha `tong mga `to?” ‘Yung wall ng buong room, napapalibutan ng mga pictures ko. Simula pag kabata hanggang sa latest age ako. Tapos meron pang maliit na table sa gitna ng room na may cake na may naka sinding candle sa gitna. I’m so touch. “’Yung mga pictures mo nung bata ka pa, remember ‘yung binigay mo sa aking scrapbook? Nirecopy ko lahat nung mga pictures mo do’n, tapos ‘yung mga pictures mo naman nung wala na ako, kay Tita, Tito, at Lolo Juanito galing.” “Pwede bang umiyak? Super na touch ako dito sa birthday gift mo eh.” Promise, gusto kong maiyak. Full of effort ‘yung gift niya sa’kin, samantalang ako, saan? Wala. “Bawal umiyak! Mag cecelebrate tayo ngayon ng birthday natin kaya bawal umiyak, okay?” Nag nod ako, tapos pinahid ko ‘yung luhang namumuo sa gilid ng mata ko. “Sorry kung wala akong gift huh? Ikaw naman kasi eh, biglaan ang pag uwi mo.” Natawa siya. “Ayos lang ‘yun, wag mo masyadong dibdibin. Bumawi ka na lang sa’kin sa susunod. Tutal start na naman nung contract, dahil 17 ka na. Everyday tayong may date.” “Teka, may tanong ako.” Nag ‘hmm’ siya. “Bakit parang alam na alam mo na ‘yung laman nung contract na ‘yon?” “Last year pa sinabi sa’kin ni Lolo ‘yun eh, nung una wala akong idea and wala akong pakialam do’n. Pero kinausap ako ni daddy at pinakita ‘yung contract. Ang nasabi ko lang pagkabasa ko, baliw na ‘yung gumawa nun.” Natatawa niyang sabi. Kahit ako ‘yun ang naisip ko eh. “Pero wala naman tayong magagawa do’n hindi ba? Masyadong malaki ang halaga ng contract na iyon.” “I’m sure hindi ko mapaglalabas ng 100,000,000,000 pesos ang parents ko, para hindi matuloy ang kasal natin.” Huminga ako ng malalim at napailing-iling. “Ayaw mo bang matuloy?” Tinignan ko siya ng nakataas ang kilay. “I told you, may boyfriend ako. And ayoko sa NERD. Duh.” “Sino’ng nerd? Ako?” Hindi ba nerd tingin niya sa sarili niya? “Hindi,’ yung cake dun sa table.” Sabay turo sa cake. “Ikaw, Jai. Alam ko namang crush na crush mo ako eh.” nilabas niya yung phone niya. “Listen.” “The only grandson of Lolo Felipe? How can I forget that cute little boy Lolo? Of course I remember him.” “Shocked? Lolo Juanito sends it to me earlier. ‘Yung tone nung boses mo, obvious na obvious na crush mo ako.” Tapos nag smirk siya. Ang kapal talaga ng mukha. Jusme. “Hindi mo ba naintindihan? Cute boy ang sinabi ko do’n? Ibig sabihin, ‘yung batang version mo ang crush ko.” ‘Di ba tama naman ako? “Ako din naman ‘yun, Jai. ‘Wag ka ng gumawa ng palusot.” Ang yabang talaga. Ano ba naman ‘yan? “Seb, kainin na lang natin ‘yung cake? Baka gutom lang ‘yan, tara na.” tapos umupo na kami sa mag kabilang gilid ng table. “Ano’ng flavor nito?” Pag ito hindi mocha, itatapon ko `to sa mukha mo.” Natawa siya. “Your favorite, mocha with chocolate coating and vanilla icing.” Nice natatandaan niya pa. “Mainam.” Kinuha ko na ‘yung tinidor na nasa gilid nung cake, may knife at plate din na nandun pero parang trip kong sa mismong cake na lang bumawas, kaya do’n ako kumuha. “Hmm. Sarap, the best talaga ang mocha!” Tinignan ko si Seb, pinapanood niya lang ako. “Hindi ka kakain? Kala ko ba mag cecelebrate tayo?” “Mukhang sa iyo ubos na kaagad ‘yan eh.” “Hindi naman ako gano’n katakaw.” Kumuha ulit ako ng cake, tapos tinapat ko sa bibig niya. “Say ‘Ah’” Hindi niya binubuksan ‘yung bibig niya. “Ayaw mo talaga?” Tapos nag puppy eyes ako. “Fine. Ah.” Here’s the airplane. Sabay subo sa bibig ko. “Hmm. Sarap.” “Gara mo! Bakit sayo mo sinubo?” Dinilaan ko lang siya. “Ang tagal mo kasing isubo eh, nasasayang.” “Ewan ko sayo!” tapos umiwas siya ng tingin. Napakamatampuhin naman. “Jai...” “Hmm?” Tuloy lang ako sa pagkain ng cake. “Ano ‘yun?” “Sino ‘yung boyfriend mo?” “Si Arryl Jon Vasquez. Bakit?” Walang ganang tanong ko. “Schoolmate natin?” Napatingin ako sa kanya. “Natin? JCFMU ka na mag aaral?” Nag nod siya. “Oo, sa JCFMU din siya nag aaral, second year na siya. Anong course kinuha mo? Baka maging mag kaklase kayo. Mabait ‘yun, gwapo pa.” “First year, BS Tourism Management 1-A ako. Kaya tayo ang mag kaklase, hindi kami.” My jaw drop, syempre nakakagulat, akala ko second year na siya? Ay, oo nga pala. 18 years old ka na pala pag nakagraduate ka ng high school sa ibang bansa. “Sa tingin ko kailangan mo ng makipagbreak sa kanya. Para rin yun sa ikabubuti niya.” “NO WAY!” Ano bang pinag sasasabi nito? “It’s for the better Jai. You must do it or you will ruin him.” Tinignan ko siya ng masama. “Alam mo ba ‘yung sinasabi mo Seb? Inuutusan mo akong makipaghiwalay sa taong mahal ko. Anong akala mo do’n mag tatapon lang ako ng balat ng candy?” Mariing pinikit niya ‘yung mga mata niya. “Forget it, Seb. Hindi ko kayang gawin ‘yan.” “Hindi naman sa gano’n, Jai. Hindi mo ba na basa ‘yung contract? They will kick him out kapag nalaman nila.” “They will never find it out. Natago ko nga for almost a year eh!” Nagdadabog na tumayo ako. “I can’t really do that, Seb.Ask me anything, gagawin ‘wag lang ‘yan. Not that. Please.” Medyo nag kacrack na ‘yung boses ko. No. I won’t cry. I won’t cry. “Please Seb, not this one.” Lumapit siya sa’kin at niyakap ako. “Jai. . .” “Please Seb?” “You’re being selfish, Jai. If you really love him, you will let him go. Kasi alam mong ‘yun ang tama.” Tinulak ko siya. “I can’t let him go.Not him.” Tinignan ko siya ng masama bago ko siyang tuluyang iniwanan. I’m sorry Seb. I love him too much. Hindi ko kakayanin na iwanan ko siya. I will do everything just to be with him. I will protect him. Hindi akopapayag na makick out siya sa school. I will prove to you, I can do something without him getting hurt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD