Contract Five: Ano... ‘yun...?

1808 Words
Jaimee “Anong date?” Bigla kaming na stiff ni Seb. Please tell me na hindi siya si Arryl. “Jaimee, ikaw ‘yan hindi ba?” Argh. Si Arryl ba talaga ‘yan? Pumikit ako tapos tinanggal ko ‘yung akbay ni Seb, then humarap ako nang dahan dahan. Una kong binuksan ‘yung kanang mata ko. Nakita ko si Arryl. Baka naghahalucinate lang ako. Binuksan ko na din ‘yung isa ko pang mata. Si Arryl, nakikita ko pa din. “Babe, sabi ko na ikaw yan eh.” Oo nga, sabi ko nga din ikaw nga ‘yung nagsalita. “Ano ‘yung sinasabi niyang date? At bakit tinawag ka niyang wifey? Pati nakaakbay pa siya sa’yo.” Halatang halata ‘yung pagtataka sa mukha ni Arryl. “Ah... eh... Si Seb nga pala. Ano ko...” Ano sasabihin ko? Arryl si Seb fiancée ko gano’n? “Pare, I’m Sebastian James Monreal. Childhood friend ni Jai, ikaw na siguro si Arryl right?” Tama ba ako nang narinig? Hindi ako binuko ni Seb? “Yes, Arryl Jon Vaszques, I’m Jaimee’s boyfriend.” In-emphasize niya ‘yung word na ‘boyfriend.’ Medyo kinilig ako. Ang territorial kasi nang dating eh. “Ikaw siguro ‘yung new student na tinatawag na ‘SJ’” kilala na kaagad siya? First day niya pa lang ah? “I didn’t know na sikat na kaagad ako sa campus, first day ko lang ngayon eh.” “Surprised? I heard na apo ka daw ng co-founder ng school, kaya siguro matunog na kaagad ang pangalan mo.” Tumango tango na lang si Seb. “Can I ask something?” “Sure.” Naku, paano kung itanong niya kung ano relasyon namin? Wrong timing. “Tama ba ‘yung narinig ko? You two, are going to have a date?” Medyo kumunot na ‘yung noo niya. “Yes, it’s my birthday last Friday. Since it’s also Jaimee’s birthday, I didn’t make it to attend her birthday, that’s why we’re going to celebrate it now. I hope you don’t mind.” Alanganing ngumiti siya. Hindi ko alam kung formality lang ba ang pinapakita niya o ano. “Not at all. Ahm... Why did you call her wifey?” ‘Yung puso ko kumakabog ng sobra. Mas malakas pa tuwing kasama ko si Arryl nang kaming dalawa lang. Sobra ang kaba ko. “I just love to call her random endearments. Please be use to it. Don’t get us wrong, we’re just really close to each other.” Seb, why are you doing this? Bakit mo ako pinag tatanggol? ‘Di ba dapat sinasabi mo na sa kanya ‘yung totoo? Para magkahiwalay na kami. “I see. Jaimee, bigla ko pa lang naalala, may sasabihin ka sa akin ‘di ba?” Arhg, oo nga pala. Sasabihin ko na ba? “Ano, hindi naman ‘yun importante eh. Pati nakalimutan ko na nga kung ano ‘yun, sabihin ko pag naalala ko na lang. Okay?” Pilit akong nagsmile. “Arryl, pwede na ba kami mauna? Medyo malayo din kasi ‘yung pupuntahan namin eh. Don’t worry makakabalik sa’yo ‘yung girlfriend mo.” Nag smile siya. Ang bait tignan ni Seb, parang hindi siya ‘yung Seb na kumukulit sa’kin na hiwalayan ko ‘yung boyfriend ko. “Hmm. Okay, please take care of her.” Tumingin siya sa akin. “Call me up later okay? I love you.” “Sure, I love you, too.” Lumapit siya sa’kin at hinalikan ako sa pisngi. “Ingat sa pag mamaneho ha?” Paalala niya kay Seb. “See you bukas.” Nagbye bye na kami sa isa’t isa, hinintay namin makaalis muna si Arryl, bago kami nag punta sa kotse si Seb. Ang tahimik namin, inaantok ako. Walang nagsasalita. “Gusto mo bang matulog? Malayo layo pa tayo.” “Hmm... Ayoko, nakakahiya sa’yo eh. Salamat pala kanina ha? Hindi mo ako binuking kay Arryl.” Sinilip niya ako saglit tapos balik ulit ‘yung tingin sa daan. “I know you have plans. Kanina, ‘yung sasabihin mo dapat sa kanya ‘yung about sa situation natin hindi ba?” “Oo sana, kaya lang ayoko siyang masaktan, at natatakot din ako sa maaring maging reaction niya.” Huminga ako nang malalim at tumingin na lang sa labas ng bintana. “If he really loves you, he will make the right decision.” Napahikab ako. HInatak niya ‘yung kamay ko, sa lakas ng impact, napasandal ‘yung ulo ko sa dibdib niya, akalain mo ‘yun, pwede pala talaga ‘yun? Akala ko imposible ang ganitong position.“Matulog ka muna, gigisingin na lang kita pag nando’n na tayo.” Nag nod ako, pinikit ko na ‘yung mga mata ko. Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko, panaginip lang siguro. Kasi may bumulong din sa akin eh. Ang sabi ay, ‘That bastard is really lucky to have you’, sino kaya ‘yung tinutukoy nun? Si Arryl kaya? “Nasaan ako?” Hindi ko naman ‘to kwarto, pati na saan nga ba ako? Ang huli kong natatandaan nakatulog ako sa kotse ni Seb. Teka! Chineck ko ‘yung damit ko, ‘yun pa din naman. Ibig sabihin hindi ako ginalaw ni Seb. Whew~ buti naman. Teka, asaan na ba ‘yung lalaki na ‘yon? Pagtayo ko may nakita akong note sa night stand sa tabi ng kama. Jai, You have clothes at our cabinet, you can change if you want. I’m just in the living room. -Seb “Closet daw namin, kalokohan. Hindi naman sa min ‘tong bahay eh.” Tinignan ko ‘yung closet na nandito sa kwarto. “Hala! Bakit may gamit ng lalaki dito?” ‘Langya, ano ba meron sa bahay na ito? Nilibot ng mata ko ‘yung buong kwarto. Halos lahat ng side may gamit ng lalaki, ‘yung slipper sa door, may indoor shoes na panlalaki ang laki. May bathrobe na nakasabit sa gilid ng couch, base sa laki no’n, panlalaki din ‘yun. Tinignan ko din ‘yung bathroom, may pair ng toothbrush. Isang color blue at isang color pink. ‘yung color blue nakalagay sa mug na may lalaki na design. Gano’n din ‘yung pink, nasa pink na mug din na may girl na design. “SEBASTIAN JAMES MONREAL!” Dali dali akong nag palit ng damit para makausap ko na si Seb. Naabutan ko siya sa living room nakaupo, nakataas ‘yung isang paa sa couch, ‘yung isa namang paa nakasandig sa gilid ng door ata ‘yun. Teka si Seb nga ba ‘to? Wala kasing salamin at hindi nakaRizal style ang buhok. “Seb?” nakapout siya no’ng tumingin siya sa akin. Napahawak ako sa bibig ko. Hala ka! Paanong biglang gumwapo ang isang ito? “Hoy! Ang pangit ng itsura mo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Tss. Akala mo naman kung sino kang gwapo.” Nilipat ko sa ibang direksyon ‘yung tingin ko. “Sir, the dinner is ready. Would you like to serve it here or at the verandah?” Napatingin ako sa maid. Ang taray inglisera! Kabog ang katulong namin sa bahay! “I prefer at the verandah. Thank you.” Pag kaalis no’ng katulong tinignan ko si Seb nang nakataas ‘yung kilay ko. “Let me guess, alam ng mga katulong dito hindi ka marunong magtagalog ‘no?” Nag devil smile siya. Oh my! Bakig biglang bumagay na sa kanya ang magdevil smile.? Iba ba talaga nagagawa ng salamin at ayos ng buhok sa itsura ng isang lalaki? Humalukipkip ako. “Ang bad mo! Teka, asan na ‘yung nerd na si Seb?” “Fake lang ‘yun, eto talaga ang totoong Sebastian James Monreal, Jai.” Tumawa ako nang nakakaloko. Ano daw ‘yung sinabi niya? May fake Seb?” “Hindi nga? Hindi mo ba ako jinojoke?” Umiling siya. Hindi ako makatigil sa kakatawa. Kumunot ‘yung noo niya kaya pinigilan ko na. “Seryoso?” “Oo nga. ‘yung nerd na look ko sa school ko lang ginagamit.” “Para naman saan?” Natatawang tanong ko. “Para walang mag kagusto sa akin, at para wala kang kaagaw.” Tumaas ng bongga ‘yung kilay ko. Ano daw? Nag devil smile ulit siya. Hindi ito makatarungan. Lalo siyang gumagwapo kapag nag devil smile siya! “Ang yabang neto! Hindi ka naman kagwapuhan. Mas gwapo pa din si Arryl ‘no!” Umiling-iling siya at nag no sign. “Jai, kaya mo lang nasasabi yan, may feelings ka kasi kay Arryl kaya mas gwapo siya sa paningin mo.” Ang yabang talaga. Ay, teka may kailangan pala akong liwanagin. “Seb, kaninong bahay ‘to? Bakit ‘yung kwarto kanina pang lalaki’t babae ang gamit?” “Hindi pa ba obvious? Syempre bahay natin. Gamit natin ‘yung nasa kwarto. Kwarto din natin ‘yun. At, iisa lang ‘yung kwarto na ‘yon.” Naglakad na siya. “Tara na sa verandah, nagugutom na ako.” Pag daan niya sa gilid ko, may kung anong sumabit sa damit ko. Nahatak niya tuloy ako. “Teka...” Pag harap ko para sundan siya na hatak na niya ako ng tuluyan, na out balance ako. “Ano... ‘yun... ?” Napakurap kurap ako habang magkadikit ‘yung mga labi namin. What the?! Anong nangyari? Tinulak ko siya. Napalakas ata ang tulak ko dahil medyo lumayo siya at na tanggal ‘yung sabit sa pants niya. “Okay ka lang?” Hindi ko na siya pinansin at naglakad na lang papunta sa kwarto na pinanggalingan ko kanina. “Jai! Kakain na tayo.” “Wala na kong gana. Kumain ka mag-isa mo!” Padabog kong sinarado ‘yung pinto. Hinawakan ko ‘yung labi ko. Nakakainis. Si Arryl nga hindi pa ako nahahalikan tapos siya nakakadalawa na?! Hindi naman ata fair ‘yun! Ano na lang ang sasabihin ko kay Arryl? Mag isang taon na kami, pero na unahan pa siya ng ibang lalaki. Nakakahiya. Nilibot ko ulit ‘yung tingin ko sa kwarto. Tapos ito, may bahay pa kami ni Seb? Kaming dalawa lang ang nandito bukod sa mga katulong. Seryoso ba ‘to? Ang baliw talaga ng mga Lolo namin kung anu-ano na iisip. Hindi man lang nila inisip na babae ako, lalaki si Seb at nasa stage ng… Ugh. Hindi pwede ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD