"Ano yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Amy sa kasambahay na naglapag ng ocean blue gown sa kama nya.
Maganda ang disenyo at paniguradong mamahalin. Halos kumikinang ang damit dahil sa design nito, fitted sa pangtaas hanggang sa hita pero pagdating sa tuhod ay buhaghag na iyun kaya paniguradong makakalakad pa rin sya ng maayos kapag suot iyun. Pero, bakit naman nya isusuot?.
"May event daw po kayong pupuntahan ni Sir Weyn at kailangan nyo daw po yan isuot" paliwanag nitong ikinagulat nya. Event? Wala namang sinabi sa kanya ang lalaking yun ah?.
"Bilisan mo magbihis, malilate tayo kapag babagal - bagal ka" sinamaan nya ng tingin ang lalaking ngayon ay nasa pinto na ng kwarto nya.
"Bilis!" Ulit nito.
"Oo na, layas na at magbibihis na ako" inirapan lang sya nito saka nakapamulsang umalis. Anak ng tokwa, umiirap din?. Kaya naman pala ang hilig mang irap ni Kiel eh, nakikita sa amo.
Napangisi si Amy habang tinitignan ang sarili sa salamin. Simple lang ang ayos nya, minamadali sya pwes papakita nya ang itsurang minadali.
Manipis lang ang make up nya at dahil wala syang oras mag-ayos ng magandang buhok ay itinali nya lang yun ng ponny tail. Inipon nya ang mahabang buhok at inayos ang pagkakakulot ng naka ponny tail na sakto ang kapal na kanyang buhok. Mabuti nalang at biniyayaan sya ng malaprinsesang wavy hair.
"Done" sambit nya saka tinahak ang daan palabas ng kwarto. Sanay na syang nakasuot ng mataas na takong kaya keri na nya ang mala beauty queen walk.
Napapailing syang natawa sa mga naiisip. Malamang sa malamang, mas maalat pa sa alamang malakas ang laban nya kay Britthany, matangkad nga lang sa kanya ito ng mga 4 inches hindi 3 inches lang pala.
"Tara na!" Hindi na nya hinintay ang sasabihin ni Mr. Voulger. Alam nyang magrereklamo lang ito kaya nauna na syang naglakad papuntang limousine, Oh wait, limousine!?.
Pumikit-pikit sya, hindi nga sya nagkakamali limousine nga. Ibang klase talagang lalaking yun!? Gaano ba talaga ito kayaman!?. Bago pa sya masigawan ng asawa nyang nasa likod na nya ay pumasok na sya. Advance kaya sya mag-isip.
"What?" Mataray na tanong nya sa asawang nakatingin lang sa kanya simula nang umandar ang sinasakyan nila. Sinandal nito ang likod sa may bintana at pumihit paharap sa kanya.
"You're too simple" sinasabi na nga ba nya eh, magrereklamo ito. Sinong may kasalanan? Ito kayang pinagmadali sya tapos hindi pa sya sinabihan ng mas maaga. Sinalubong nya ito ng matapang na tingin.
"So what? Kasalanan ko bang minadali mo ako?." pagtataray nya. "Kasalanan mo kaya pagtyagaan mo!" Ngumisi sya't tinuro ang mukha.
"Don't worry, natural na maganda ako kaya hindi na kailangan ng makapal na make up" puno ng kumpyansang sabi pa nya na tinawanan ng lalaki.
"Woah, I didn't expect you have a boastful side, my wife" puno ng pang-aasar na turan nito habang matching tawa-tawa pa.
Gusto nya itong sapakin tapos sipain palabas ng sasakyan pero wag nalang baka sa simenteryo sya mapunta kapag ginawa nya yun. Hindi sya ganun kaulyanin para makalimutan kung gaano ito kayaman, kumpara rito ay para lang syang isang langaw tapos tong lalaki rich kid na mantis.
Malakas syang natawa sa naisip kaya nagtatakang tinignan sya ng asawa pero di sya papatalo. Inirapan lang nya ito. Akala ba nito di sya marunong umirap?
Duh, sya kaya tinaguriang taray queen nung nag-aaral pa sya. Kaya nga busted lahat ng nanligaw sa kanya eh, charot lang lagot sya kay papa nya kapag nag boyfriend sya, yun talaga ang dahilan kaya busted lahat ng nanliligaw sa kanya.
"Malapit na tayo, act like a sweet wife. Understood?" Umirap sya't tumango. Anong akala nito sa kanya 'di marunong umarte, best actress kaya sya. Kaya nga laging sobra allowance nya noon, galing umarte na may babayaran sa school kaya dagdag allowance.
"I know" mataray nyang sagot "Nandito na ba?"
"Yeah" tipid na sagot nito at nauna nang bumaba. Pinagbuksan sya nito ng pinto, aba, galing umarte ah. Gusto nya itong asarin kaso bawal, sayang.
Parang gusto na nyang tumakbo pabalik nang maglakad sila sa red carpet, lahat ng mata ay nasa kanila or mas mabuting sabihin na sa kanya. Sa paraan ng pagtingin ng mga ito ay para syang hinuhubaran at pati kaluluwa nya ay tinitignan ng mga ito.
Sa buong buhay nya di nya naisip na darating ang araw na maja-judge sya ng ganto ka tindi. Humigpit ang hawak nya sa asawa nang manghina ang tuhod nya, everyone are looking at her then magbubulungan. Ano kayang pinagsasasabi ng mga ito?. Di kaya nalait na buong pagkatao nya? No way! Sikat kaya ang angkan nila sa probinsya nila.
"Fvck! Kung gusto mong baliin yang braso ko pwede bang wag dito?" Nakabalik sya sa kasalukuyan nang marinig ang sinabi ng asawa nya.
Niluwagan nya ang hawak sa braso nito, kawawa naman pinipilipit na pala nya. Masakit yun for sure, malakas pa naman sya kumpara sa ibang mga babae.
"Sorry" pilit ang ngiting sabi nya. Gusto nyang mag peace sign pero bawal rin.
"She's ugly"
"Look, hindi sya sexy"
"Sino sya, low profile girl? Paano nya napakasalan si Mr. Voulger?"
"Ang kapal, minsan pala nananalo ang despirada?"
Nagbagting ang pandinig nya sa mga bulungan ng grupo ng mga babaeng nadaanan nila. Huminto sya sa paghakbang kaya napahinto rin si Weyn. Alam nyang nagtataka ito pero hindi nya ito binalingan ng tingin.
Nasa limang babae ang buong atensyon nya. Matataray ang mga itong tinaasan sya ng kilay. Gusto nyang tumawa pero masisira image nya kaya, nag chin-up sya't sinalubong ang mga mapanghusga nitong mga mata.
Ngumisi sya't binigyan sila ng tig-iisang nandidiring tingin. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ginawa nya pero ngumiti lang sya't mapang-asar na kinawayan ang lima. Gusto nya pang insultuhin ang mga ito pero saka na.
"Let's go, baby" nakangising aya nya kay Weyn na nakatingin sa kanya. Iiling-iling itong natawa, oha, nagustuhan nito ang ginawa nya. Proud husband din pala ito eh, good!.
Ang kakapal ng mga babaeng yun!. And for their stupid information, maputi lang sila di sila magaganda!. Ugly sya? Tsked, insecure lang sila!.
Hindi daw sya sexy? FYI, yung matangkad sa kanila parang stick!, yung malaman sa kanila, pandak, yung isa sa kanila malaki pwet pero pader ang dibdib, yung isa naman pakwan ang dibdib pero ice cream cone ang katawan. Ampapanget ng katawan nila kadiri!.
Sa kanya kaya ang sexy, malulusog ang dibdib nya pati pwet, pagnaglalakad nga sya halos mag bounce pa eh, matangkad rin sya at maganda ang curve. Dapat nga sa beauty queen sya sasali.
Atsaka, ano low profile?. Kilala kaya sya ng pinaka sikat na prosecutor ng bansa, pati yung Lorenzo Twins na sikat sa pagaabugasya kilala sya, pati yung pinsan ng k-pop artist na sikat globally kilala sya, at yung CEO ng G-Tech company ay hindi maka-move on sa kanya.
Mga ex manliligaw nya kaya yung mga yun, atsaka pano nya naging asawa si Mr. Voulger aba malay nyang pipirma pala yun sa marriage contract na ginawa nya, hindi nya nga akalaing pati pala pangalan nya attractive na.
Anong desperada!? Hindi— Oo inaamin nya, despirada syang mag-asawa pero hanggang dun lang yun.
Hindi na mabilang ni Amy kung ilang ulit syang napairap habang hinihintay na maubusan ng makakausap ang asawa nya. Nakakatamad makinig sa usapan dahil puro tungkol sa negosyo ang topic.
Akala ba nya ay birthday celebration ito ng governor, maiintindihan nya pa kung politics pero business?.
Muli syang napairap nang marinig na isa pala sa pinakapalaking investor ng sikat na kumpanya ang governor, kaya pala mga negosyante ang bisita.
Pilit lang syang ngumingiti kapag pinapakilala sya ni Weyn bilang asawa nito. Nung una ay naiilang sya pero habang nagtatagal ay wala na sa kanya, sa totoo tinatamad na sya. Hanggang sa sya ang maging topic, pagtinanong sya ay tatango lang sya, kahit hindi naintindihan ang tanong ay Oo parin ang sagot nya. Nakakapagod pala kapag walang ginagawa?.
Nagtataka nyang tinignan ang mga mukha ng nag-uusap dahil biglang nagsitahimikan ang mga ito.
"Why?" Clueless na tanong nya.
Nagtinginan ang mga ito tapos si Weyn naman ay napalunok. Ano bang nangyayari sa mga ito? Ang weird ah!.
"You said you're pregnant?" Naubo sya sa tanong ng lalaking kausap ni Weyn. Umiiling sya ng paulit-ulit.
"Hi-hindi !" Umubo ulit sya. "Hindi ko yun sinabi" nagtinginan ang tatlong lalaki at si Weyn naman ay lumapit sa kanya.
"Biniro ka kanina ni Mr. Lopez na kung buntis ka tapos umuo ka" paliwanag ni Weyn na nagpalaki ng mga mata nya.
"Umuo ako?" Gulat na tanong nya saka umiling ulit.
"Hindi, nagjojoke lang ako" paliwanag nya. Pilit na ngumiti si Weyn at inakbayan sya.
"Masyado kaming busy sa trabaho kaya, hindi namin naiisip na magkaanak agad" paliwanag ni Weyn sa tatlo.
Napapikit nalang sya, ano bang ginawa nya?. Baka bukas makikita nya mukha nya sa social media tapos trending with caption, "babaeng pinakasalan ng bilyoranyong ceo dahil nabuntis" No!!! Ang iniingatan nyang puri!.