Kinusot-kusot ni Amy ang mga mata nang maalimpungatan sa mahinang paggalaw ng kama. Babangon na sana sya nang maramdaman ang isang kamay na nakayakap sa kanya. Dahan-dahan syang pumihit paharap sa asawa nyang mahimbing na natutulog, anong oras kaya itong dumating?. Bago sya makatulog ay kumukulo ang dugo nya rito pero nang makita ito ay wala na lahat ng inis nya. Nakaka-curious tuloy kung ano ba ang sikreto ng asawa nya. Napangiti sya nang gumalaw ito matapos nya itong dutdutin sa ilong. Nanggigil sya sa gwapo nitong mukha kaya wala sa sariling pinanggigilan nya ang pisngi nito. " It hurts, Wife" mahinang daing nito habang unti-unting iminumulat ang mata. Natatawa syang naupo sa kama at hinawakan ang tumutunog na tyan. "Gutom na ako, magluto ka bilis" nagtataka ito sa sinabi nya pero h

