Ilang oras lang ang lumipas ay bumalik lahat ng nararamdaman nyang takot at pag,-aalala. Hindi na mapakali si Amy, parang ang tagal ng eroplano. Kinakabahan sya sa maaaring kalagayan ng ama nya. Tinatawagan nya ang mga kapatid nya pero wala nang sumasagot ni isa kaya lalo syang nakakaramdam ng takot. Pilit nyang inalis sa isip nya ang asawang kasalukuyan ring dahilan kung bakit sobrang sakit ng dibdib nya at itinuon ang isip sa ama. Bakit ba nangyayari ito sa kanya?. Ilang ulit na syang napapapikit dahil sa antok na kanina nya pa nilalabanan pero pinipilit nya ang sariling manatiling gising hanggang sa tuluyang mag landing ang eroplano sa Legazpi. Sumakay sya sa private plane ng asawa nya na kung di dahil kay Kiel ay di nya malalamang nag eexist pala. May naghihintay na ring sasakyan

