◐ Aldrich point of view ◑ Isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang mangyari iyon. Pero para sa akin ay parang kanina lang ang lahat. Dahil paulit-ulit ko itong naaalala at parang isang replay sa television. Nanlaki ang mata ko nang makita siyang unti-unting nalalaglag sa bangin. "Euphy!" tawag ko para abutin ang kamay niya pero hindi ko siya na abot. "No! sa'kin ka lang dapat mahulog hindi diyan sa bangin." hindi natutuwang sabi ko sabay sunod sa kanya. Alam ko na isang kabaliwan ang gagawin kong pagtalon pero wala akong pakialam. Ang mahalaga lang ngayon sa akin ay si Euphy. Dahil bukod kay Mom, si Euphy lang ang isa pang babae na papapasukin ko sa buhay ko. Nakita ko siyang nakapikit kaya napangiti ako. Para siyang si Sleeping Beauty sa paningin ko. Gusto ko siyang halikan pe

