◐ Euphemia point of view ◑ Nakaupo lang ako sa couch at tahimik na tinitingnan ang mga files. Napahawak ako sa bridge ng ilong ko habang nag-iisip ng plano. Kailangan kong makagawa ng plan A to C. Para kung sakali na pumalpak ang plan A ay may plan B pa. Back up na lang ang plan C kung sakaling pumalpak din ang plan B. "Besty, seryoso hindi ka talaga inlove kay Aldrich?" pangungulit ulit ni Sharisse. Kanina pa niya ako kinukulit pero hindi ko siya sinasagot. Tinitingnan ko lang siya at muling ibabalik ang atensiyon sa mga files. "Alam mo besty, hindi kita masisisi kung ma-inlove ka kay Aldrich. Ang guwapo kaya niya at mukhang mabango pa. Tapos tingnan mo, oh, MVP player pala siya ng Basketball sa dati niyang school. Mayroon siyang fifthy thousands likes sa f*******: fan page niya."

