BALPHEO POV - DARK REALM Hanggang ngayon ay hindi pa din mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi ko akalain na makikita ko ngayong araw ang matagal ko ng nawawalang kapatid. Gusto ko lang sana maglibang sa mundo ng mga mortal ngunit hindi ko inaasahan na magkikita kami doon. Masaya ako dahil sa wakas ay nakumpira kong wala nga ang ala-ala ni Deimos tungkol sa kanyang nakaraan na buhay. Hindi nito batid kung ano ang kanyang tunay na pagkatao sa kabila ng pagiging tagapagtanggol ng mga mortal na tao. “Saan ka nanggaling?” napapitlag ako ng marinig ang malalim na boses ng aking Ama. Hindi ko naramdaman ang kanyang paglapit kaya bahagya akong nagulat. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin. Sigurado ako na kanina pa ako hinahanap ni King Daemon. Hanggang ngayon ay nagtatalo

