“Deimos may nakakita na kay Althaia sa labas.” Pupungas-pungas pa akong bumangon bago tuluyang nagmulat ng aking mata nang marinig ang sinabi ni Marko. Hindi ko tiyak kung kanina pa gising ang aking kaibigan dahil maayos na ang kanyang hitsura at hindi na mukhang gising. Napatingin ako sa aking relo at napagtanto na kung tutuusin ay halos dalawang oras lamang ang aking naitulog. Gayunpaman ay wala akong dapat paghinayangan dahil maaari akong matulog kahit anong oras ko gustuhin basta walang halimaw na nakapasok sa kaharian. "Hoy ano pa hinihintay mo bumangon ka na d'yan at mag-ayos para sa ginawa nating plano." Akala ko ay umalis na si Marko pero nanatili pala ito sa silid upang masigurong gising na talaga ako. "Oo na sandali." Iritang sagot ko sa kanya dahil ang totoo ay inaantok pa

