“Tiyak kong matutuwa si Althaia kapag nalaman n’ya na kasama ko ngayon ang babaeng hinahanap namin.” Sambit ko sa sarili bago ako lumabas ng aking silid kanina upang hintayin sa baba ng bahay si Avarice. Isang arw ko pa lang hindi nakikita ang akin kasintahan pero miss ko na agad ang babae. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ako pagdating kay Althaia. Wala na akong ibang hihilingin pa maliban sa magtagal kaming dalawa. Hindi ko nais na maghiwalay pa kami at handa na akong makasama s’ya panghabambuhay. Hindi pa din ako makapaniwala na nahanap ko na ang babae. Kung saan-saan lugar pa ako naghanap dito ko lang pala s’ya matatagpuan. Iisang bahay lang pala ang aming tinutuluyan. Mabuti na lamang at nanatili ako sa labas ng bahay kagabi at hindi ako nagpasyang lumabas kaya nagkita kaming d

