Helliazy's P.O.V "Tapos na po kamahalan"naka ngiting ani ng aking taga ayos,matamis akong ngumiti sakanya saka nag pasalamat bago humarap sa salamin. Muntik ko ng hindi makilala ang aking sarili,ibang iba na ako ngayon kung noon ay itim lamang ang alam kong kulay ngunit ngayon ay mukha na akong dyosa at maaliwalas akong tignan,simple lang ang makeup na nilagay sa'kin pero kitang-kita ang kinang nito sa aking mukha. Sunod naman akong tumayo at tinignan ang napakagandang gown na nasa harap ko,ginto ang kulay nito at napapaligiran ng mumunting kristal na syang mas nagpagarbo sa aking susuotin. "Mahal na reyna isuot nyo na po"ani ni JenJen ang aking personal na utusan,labing apat na taon ang tanda nya sakin at wala parin syang asawa,ang sabi nya pa ay ayaw nyang ikasal dahil mas gusto nyan

