DEDAY'S POV Hawak kamay kaming naglalakad papunta sa disco. Ako naman ang naiinis dito. Ginagawa niya kasing biro ang lahat. Paano kapag nafall na ako ng tuluyan sa kanya sasaluhin ba niya ako? Oo, pumapayag ako sa pahalik-halik niya pero hindi ko nakakalimutan na mayaman siya at mahirap lang ako. Hindi kami puwede at maliwanag pa 'yon kaysa sa sikat ng araw. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Nakita namin ang mga kaibigan ko mabuti na lang at wala na si Joseph. "Frenny, Akala namin uuwi na kayo?" tanong ni Nayah. "Hindi na, gusto daw kasi maranasan ni Senyorito ang probinsya vibes," paliwanag ko sa aking kaibigan. Si Rosalie naman ay panay nguso sa kamay namin. Pero itong katabi ko walang pakialam at mas hinigpitan pa ang hawak niya sa kamay ko. "Takot daw siya mawala dito," sabi

