KALLIX POV Sobrang saya ng buhay ko ngayon. Ang totoo talaga bago ako umalis galing sa probinsya nila Desra ay humingi na ako ng permiso na ligawan siya. Laking pasasalamat ko na pumayag naman ito at ipinagkatiwala sa akin ang anak niya. Kung araw-araw masaya ako na siya ang bumubungad pagkagising kabaliktaran naman kapag nasa University kami. Sa dami ng lumalapit sa kanya ay lahat sila gusto kong ibagsak sa subject ko. Lalo na tuwing practice niya sa Cheerdance. Simula ng nagbago siya ng style ng pananamit ay ang daming umaaligid sa kanya isa na doon si Stephen na lantaran ang pagpapakita ng pagkagusto sa kanya. Palihim ko siyang pinapanood sa mga practice niya nakakainip kasi ang maghintay sa loob ng kotse ko. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Stephen. "Kuya, can you give

