DEDAY'S POV Sinalubong ako ng kambal pagpasok ko pa lang sa loob ng restaurant. Nakangiti silang dalawa habang tumatakbo palapit sa akin. Halatang masaya talaga sila sa naging gala nila. "Mommy..." panabay na tawag nila sa akin. "How's your day?" tanong ko kay Jacell. "It was fun mommy," sagot naman niya sa akin. "How about you Jaycen?" tanong ko sa anak kong lalaki. "It was great mommy." Masayang sagot sa akin nang anak ko habang may malawak na ngiti sa labi. Napangiti naman ako dahil halatang nag-enjoy silang tatlo. "Thank you Jacob," sabi ko sa kanya. "You're always welcome, lets eat na" sagot niya sa akin sabay kurot sa pisngi ko. Masaya kaming naghapunan. Pagkatapos ay umakyat na kami sa room namin. Inasikaso ko muna ang mga anak ko. Pagkatapos ay inayos ko ang kailangan buk

