KALLIX POV Ang buong akala ko ay ayaw na akong makita ng asawa ko. Pagdating ko sa ospital ay tumambay ulit ako sa labas. Habang nakaupo ako ay lumabas si Maxine. "Hi po, Sir mabuti po at nandito na kayo. Gusto po kumain ng asawa niyo ng korean rice cake. Aalis po muna ako para bumili," sabi nito sa akin. "Nurse Maxine, stay here. Ako na lang ang bibili," sabi ko sa kanya. "Sigurado po ba kayo?" Tanong nito sa akin. "Yeah." Tipid na sagot ko sa kanya. "Okay po," sabi nito sa akin. Lumabas ako at pumunta sa korean store na nasa labas lang nitong ospital. Binili ko ang lahat ng maari niyang magustuhan. Pagkatapos ko ay bumalik na ako kaagad. Ayoko rin na paghintayin siya. Kahit na hindi ko siya mapuntahan ay masaya na akong nakikita siya sa screen nang phone ko. Malapit na ako sa ro

