DEDAY'S POV Nagising ako na nakahiga na sa sofa. Si manong agad ang una kong nakita pagdilat ng mga mata ko. Hindi ito nagsasalita at umalis siya sa tabi ko. Pumasok siya sa kusina ako naman ay nakatingin lang sa kanya. "Galit pa rin kaya siya?" tanong ko sa sarili ko. Ilang sandali pa ay bumalik na siya at nagulat ako dahil binuhat niya ako. Habang papasok kami sa dining-room ay ngayon ko siya napagmasdan ng matagal. Sobrang gwapo niya kaya nga noong nakita ko siya sa portrait ay nagwapuhan talaga ako sa kanya. Naging instant crush ko pa siya. "Are done?" tanong niya sa'kin. "P-Po?" nagtatakang sabi ko. "Checking my face," sabi niya. Yumuko ako bigla dahil nahuli niya ako. Ibinaba niya ako sa upuan. May ihinanda pala siyang pagkain. Bigla akong nahiya. Kinuha niya ang kutsara at ba

