DEDAY'S POV Nagising ako nang alas siyete ng umaga. Wala na akong katabi. Saan na kaya 'yon. Pumasok ako sa banyo para maligo dahil mamayang alas nuebe ang biyahe ko. Paglabas ko ay wala pa rin siya. Nasa kwarto kaya niya siya? Paglabas ko ay may nakahain na sa mesa.Maaga pala siyang nagising.Pero nasaan naman kaya siya. Umupo ako at nagsimulang kumain. Natapos na lang ako ay wala pa rin siya. Malapit na akong umalis pero wala pa rin siya. Ano 'yon pagkatapos niya akong kainin ay i-goghost niya ako? Bahala nga siya, kausap ko sa sarili ko. Inilabas ko na ang mga gamit na dadalhin ko. Kaya ko naman buhatin kaya lumabas na ako. Inayos ko muna ang lahat bago ako bumiyahe papunta sa bus station. Pagdating ko sa istasyon ay naghintay pa ako ng kaunti. Panay tingin ako sa selpon ko. Nag-ba

