Episode 19: Nelrose

1344 Words

Namimigat pa rin ang pakiramdam ko at may kasama itong panlalamig ng katawan ko pero nang makita ko si Zyair, nakatulong ang presensiya nito para lumakas ako kahit papa'no. Muli akong napayakap kay Tiyang at nawala rin ang ngiti ko nang hindi ko makita si Cyrish pero ayon kay Zyair, siguradong ligtas ito sa pangangalaga ni Brandon. "Iha, salamat at gising ka na, h-hindi kapani-paniwala." Si Tatay Herming ang nagsalita kaya napangiti ako. Parang ang tagal-tagal kong hindi nakita ang mga ito. Tapik sa likod ko ang ginawa nito. "Kailangan na nating umalis at maging alisto pa rin kayo sa paligid." Nagpatiuna nang tumayo ang matanda sa tulong ni Zyair. "Nakatanggap ako ng text kay Brandon, ready na ang chopper pabalik sa Tinaca." "Tay, halos naubos natin ang pinaka-important-eng sangkap na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD