Iyak ako nang iyak habang lulan ng private plane papunta sa South Arctic. Nagpaiwan si Zyair para magamot ito ng mga kasama nito. Pinag-aaralan din ang lalaki para mabigyang lunas ang iba pa sakaling makita ang solusyon sa problema sa pamamagitan nito. Ang bilin lang ni Zyair, basta mag-English lang ako, makaka-survive raw ako. Nangako itong susunod sa'kin agad. Long distance relationship muna kaming dalawa dahil sa kalagayan nito. May lagnat ito nang umalis ako kaya labis ang pag-aalala ko sa kanya. Hindi matigil ang pag-iyak ko. Pinagtitinginan na ako ng ibang kaibigan ng nobyo ko na sumama sa'kin. "Don't worry, he's fine. He's a strong man, he will survive for sure." Isa ito sa mga kaibigan ni Zyair na paranormal expert din. Pinag-aaralan din ng mga ito ang alamat ng Mondabor. "One of

