Ingay na lang nina Brandon at Cyrish ang naririnig ko habang nagsasayaw ang mga ito sa gitna ng sala. Alas-otso na ng gabi pero wala pa ring ungol ng mga halimaw ang nagsulputan. Sarado na ang dimensyon kung saan ang mga ito lumalabas. Kahit pa successful kami, parang hindi rin ako masaya. "Common, Nelrose!" Kinuha ni Jerry ang kamay ng dalaga para isayaw ito. "Any problem? You don't look happy." Napilitan akong tumayo pero inikot ko muna ang tingin ko, wala si Zyair. Ito lang ang gusto kong isayaw ngayong gabi sana. "We're celebrating for the job well done, I'm so proud of you, love." Nagsimula nang umindak si Jerry sa harap ng dalaga. "Common, let's be happy. We're all safe." Napangiti ako kahit papa'no sa nakikita kong moves ni Jerry dahil parehong kaliwa ang paa nito. Hindi marunon

