Wow! Ang ganda ko! Pinag-aagawan ako ng mga macho-ng ito. Pumagitna ako agad sa dalawang macho nang makita kong nagpapaguwapuhan sila sa harap ko.
"Hello, ako lang 'to. Si N-Nelrose...'w-wag kayong ano!" Hindi ko mapigilang mapabungisngis sa kabila ng mahirap na sitwasyon namin. "Ano be 'yen!" Napasuklay tuloy ako sa buhok ko gamit ang kamay ko.
Pinandilatan ako ng mata ni Zyair kaya agad kong sinupil ang ngiti ko. Ang kamay ko, pareho nang nakahawak sa matitigas na dibdib ng mga ito. At napansin ko, bakit nakapasok na sa t-shirt ng dalawang Adonis ang mga kamay ko at--napalunok ako. Pinipisil-pisil na ng dalawang kamay ko ang mga pandesal ng mga ito. Nang mapatingin ako kay Brandon, ang lawak ng ngiti nito kaya 'di ko mapigilang pamulahan ng mukha at nang ipaling ko ang tingin kay Zyair, umigting ang panga nito kasabay ng pagtunugan ng ngipin nito.
Inis na binaklas ni Zyair ang kamay ng dalaga. "B-bilisan mong kumain, Nelrose. May lakad pa tayo at--lady," lalong naningkit ang mata ni Zyair sa pagkakatingin sa dalaga. "Ite-training kita para maproteksiyunan mo ang sarili mo kapag wala ako."
Nakatalikod na si Zyair nang lingunin ko at nakabalik na rin ako sa upuan ko. Para akong nakaramdam ng pagkapahiya dahil titig na titig sa'kin ang bisita namin. Nakakainis! Ito talaga ang kahinaan ko, eh. Ang mga guwapo!
Isang malakas na kalabog ang narinig namin nang dumaan muli si Zyair sa harap. May mga bitbit itong espada at ilang sibat sa kamay nito. Binantayan lamang ako ng lalaki kaya lamon na ang ginawa ko. Mabilisan ko itong ginawa para makaalis na kami kung sa'n man kami pupunta.
"Are these weapons enough, Brandon?" Nagsalubong ang kilay ni Zyair nang makita ang bisita na katabi na ni Nelrose. "D-dude, kung may b-balak ka diyan kay Nelrose, spare that one."
Ano ba 'tong si Zyair! Nagseselos ba ito? Bigla ko siyang tiningnan para arukin kung ano nasa loob nito pero pinandilatan lamang ako ng lalaki. Isang ngiti na may assurance ang binigay ko sa kanya.
"All good, Z-Zyair." Nakatapat ang kamay ko sa dibdib ko nang sabihin ito. "I-isa lang ang puso k-ko."
"T-tigilan mo'ko, Nelrose, ha!" gigil na sigaw ni Zyair bago lumabas ng kusina. "B-bilisan mo diyan."
"Ang s-sungit!" Halos naubos ko na ang pagkain ko sa harap at nawalan na'ko ng gana dahil sa kasupladuhan ng Zyair na iyon pero nang mapatingin ako kay Brandon, ang lagkit ng titig nito sa'kin. Tikhim ni Tatay Herming ang nagpahinto sa diwa kong nangangarap ng gising.
"Bilisan mo diyan, iha. S-sasama kayo ni Zyair kay Brandon. Kailangang malaman ni Brandon kung saan pwedeng makuha ang tansay para mailigtas nila ang sarili sakaling kakailanganin nila ito."
Napaupo ako ng tuwid. Ako na lang ang nahuli sa mesa at kahit saan ako magpunta, nakasunod ang tingin ni Brandon sa'kin. Na-conscious tuloy ako.
"Kailangan niyong magpahid ng tansay, Brandon, bago magtakipsilim. Sa ngayon, 'yon ang makakaligtas sa inyo pero ang mga nabanggit mong patay na nabuhay, pinag-aaralan ko na kung bakit nangyayari ito. Ang mga espiritu ng Mondaborian, sa gabi lamang sila umaatake..." Napahinto si Herming. "Nakita mo ba kung paano sila namatay?"
"Hindi rin ho, masyadong nang magulo at delikado. Puro pagtatago ang ginawa naming nakaligtas pero ngayong alam ko na ang tungkol sa tansay, mapapanatag ako kahit papa'no." Nakatingin pa rin sa dalaga si Brandon na abala sa paghuhugas nito ng pinggan. "Magnobyo ba s-sila ni Z-Zyair?"
Napaharap ako bigla nang marinig ko ito. Nahawakan ko bigla ang naninikip kong dibdib pero pabuka pa lang bibig ko nang bigla na namang sumulpot si Zyair sa harap namin.
"S-she's my responsiblity, B-Brandon." Biglang singit ni Zyair, sumandig ito sa pader habang nakatingin sa bisita. "K-kung may balak ka sa babaeng 'yan, baka pati ako ang makakalaban mo! Hindi lang ang mga halimaw ang makakasagupa mo kundi pati a--"
Napayakap ako bigla kay Zyair nang ubod higpit pero gigil nitong tinanggal ang mga braso ko sa matipuno nitong pangangatawan. Gusto ko lang iparamdam sana na 'wag itong magdamdam na may bisita kaming guwapo. Sabi ko nga kanina, my heart is only one and it cannot be divided into two. 'Yan na ang motto ko dahil si Zyair lang naman ang laging nagliligtas sa'kin. Patay na sana ako kung wala ito.
Binagtas namin ang gubat papunta sa "safe place" na tinatawag ni Brandon. Isang kuweba ang aming nabuglawan pero pailalim ito, parang mining ang labas dahil kailangan naming bumaba sa lupa. Agad akong inalalayan ni Brandon nang isang hagdan na kahoy ang aming binabaan.
"Actually, may mining dito noon kaya nakakatulong ito sobra para pagtaguan namin." Kay Nelrose nakatingin si Brandon nang sabihin ito. "Isa sa mga kakilala ko ang nagturo nito para pagtaguan namin--"
"Nakapasok na ba ang mga halimaw dito?" Mabilis na sinipat ni Zyair ang paligid pero napako ang tingin nito sa dalawang nasa harap nito. Hawak na ni Brandon sa kamay ang dalaga at hinahaplos nito ang kamay ng babae. Hinaklit ito ng binata sa sobrang inis niya. "B-Brandon," gigil na tiningnan ni Zyair ang lalaki na ngumisi lamang.
"Never pa, Zyair. Hindi pa kami nalulusob dito simula nang magtago kami rito. Sundan niyo 'ko." Naglakad na ang lalaki at pinasok nito ang tunnel papunta sa mga kasamahan nito.
Napahawak ako bigla kay Zyair at for the very first time, mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko para hindi na'ko makawala. Napakagat labi na lang ako talaga. Pigil na pigil ko ang sarili ko na 'wag mapabungisngis. Nakakatakot ang paligid ngayon pero sa kabilang banda, may dulot pala itong maganda sa lovelife ko. Natunton ng puso ko ang mga guwapo.
Naipilig ko ang ulo ko para iwaslik sa isip ko na isa akong napakagandang Diyosa sa kagubatang ito.
"N-Nelrose, are you with m-me? Makinig ka nga sa'kin, aanga-anga ka na naman." Tinuro ng binata ang kaliwang bahagi ng tunnel. "Ang way na 'yan, palabas 'yan ayon kay B-Brandon, tandaan mo dahil hindi natin alam ang puwedeng mangyari." Muling hinila ng binata ang babae sa pinakaloob-looban na ng tunnel.
Ilang kababaihan na pawang may edad na at ilang kalalakihan ang bumulaga sa kanila. Nakaupo ang mga ito at nang makita si Brandon, agad nagsilapit ang mga ito.
"May mga p-pagkain ba, Brandon?" Isang matandang lalaki ang uugod-ugod na lumapit sa bagong dating.
Pinagkaguluhan ng mga tao ang dala-dala ni Brandon. Nahabag ako sa tagpong ito! Mabuti pa pala kami sa maliit naming mansiyon, may mga stock kami ng pagkain pero sa tunnel na ito, gutom ang inaabot ng ilan.
"Pwede kayong mangaso sa gubat, Brandon, maraming ligaw na hayop dito. Kalimitang mga baboy ramo..." Mabilis na nilapag ni Zyair ang bag at binuhos ang laman nito, mga de lata ito na muling pinagkaguluhan ng tao. "Pwede kayong lumabas sa umaga dahil sa gabi lamang umaatake ang mga halimaw na iyon."
"Gagawin ko 'yan pero--" binulungan ng lalaki si Zyair, "mahihina sila, mga may edad na. Ako lamang ang bata rito..." Isang tapik ang ginawa ng lalaki kay Zyair bago ngumiti nang ubod tamis kay Nelrose. "Pero--lumalakas ako kapag may magaganda kagaya n'ya." Napakindat pa sa dalaga si Brandon. Hawak na nito ang ibang armas na binigay ni Zyair.
Napairap na lang ako pero kinikilig ako, 'di ko lang pinapahalata dahil baka magalit na naman si Zyair. Hila na ako ng lalaki pabalik sa hagdan kung saan kami bumaba kanina.
"We need to go, Brandon, may training pa si Nelrose. Kung may kailangan kayo, pwede niyo kaming bisitahin sa bahay."
Sumaludo lamang si Brandon nang umalis kami pero ako, panay ang linga ko sa likod ko. Hatid pa rin kami ng tanaw ng lalaki hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
"May g-gusto ka ba sa lalaking 'yon, ha? Babaero 'yon!"
Napaawang ang labi ko pero mabilis ang pagkaladkad sa'kin ni Zyair. Habol-habol ko na naman ang hininga ko nang makarating kami sa bahay. Inabot kami ng halos forty minutes kaya grabe ang pagod ko. Agad akong napaupo sa sanga ng isang puno na nakabalandra lamang sa tapat ng bahay nang bigla akong hilahin patayo ni Zyair.
"Let's start..."
Isang sibat ang binigay ng lalaki sa'kin. Basic lang nang una ang tinuturo niya sa'kin hanggang maging kumplikado na ito. Hindi man lang ako pinagpahinga ng lalaki, sinabak agad ako sa karate. Kainis!
"S-sandali lang, Z-Zyair, pahinga muna tayo--" Pero isang sipa ang ginawa ng lalaki kaya agad akong napaupo para iwasan ito. Lumusot ako sa hita niya bago mabilis na sinakyan ito sa likod. Gigil kong sinabutan ang buhok nito bago ito binitawan nang marinig ko ang mura nito. Mabilis kong tinakbo ang loob ng bahay.
"N-Nelrose!"
Sumapit naman ang hapon at muli akong nagtago sa ilalim ng mesa kahit hindi pa tuluyang laganap ang dilim sa labas. Hindi pa'ko masanay-sanay, nakakaramdam pa rin ako ng takot. Mga kalampag sa labas ang naririnig ko at sa totoo lang, hindi ako maka-concentrate sa pinagtataguan ko. Pinagtataguan ko si Zyair dahil ayoko ng training na ginagawa niya, ang sakit-sakit pa ng paa ko dahil halos isang oras ang nilakad namin papunta ro'n sa lungga nila Brandon.
Ungol at kaluskos ang naririnig ko sa labas ng bakal na pinto ng underground. Naku! Ipi-peek a boo ko si Zyair para makaganti ako sa kanya sa lahat ng karumal-dumal na ginagawa nitong pagpapahirap sa'kin.
Nilagay ko muna ang tenga ko sa pinto para masigurong naririnig ko ang ingay niya bago marahan itong tinulak. Alas tres pa lang ng hapon, safe na safe pa ito para sa isang laro. Napasimangot ako. Nakikinita ko ang hitsura ng lalaki, siguradong maiinis na naman ito. Isang katawan ang nabunggo ko. Hindi ko na pinagkaabalahang buksan ang ilaw sa may hagdanan. Nakasarado rin ang pinto sa taas ng hagdan kaya madilim sa gawi ko.
"Boo, Z-Zyair." Hindi ko mapigilang mapabungisngis pero napasigaw ako nang bigla nitong hawakan ang leeg ko kasabay ng mahinang ungol. Nakiliti ako sobra at agad napahawak sa braso nito. Nangapa ako sa dilim para i-switch ang ilaw sa hagdanan pero--nakaramdam ako ng sakit nang biglang tumilapon ako sa pintong bakal. Lumikha ito ng malakas na kalabog.
"Z-Zyair!!"
Napaiyak ako dahil hindi na'ko halos makabangon at nangangapa na ako sa dilim. Isang ungol na mahina ang narinig ko sa gawi ko kasabay nang pagkaramdam ng sobrang pan*nakit ng balikat ko. May kumakagat sa'kin.
"Tatay H-Herming...Z-Zyair..." Nahintakutan ako nang sa kabilang balikat ko naman naramdaman ang kasunod na pagbaon ng kung anong bagay. Isang malakas na sigaw muli ang pinakawalan ko.
Bumaha ang ilaw sa hagdan at nanlaki ang mata ko nang makita ko sina Tatay Herming at Zyair sa taas ng nakabukas na pinto. Ang katabi ko--hindi! Isang malakas na tili ang kumawala sa'kin bago ako tumilapon muli sa loob ng underground. Lumikha ng ingay ang pagbagsak ko nang sumaktong sa shelves ng mga pagkain ako tumama.
Nanginginig ako habang papalapit ang nilalang na ito sa harap ko. Namumula ang mata nito--nanlilisik. Tao ito pero bakit ganito ang hitsura? Tumutulo ang laway nito at may bahid ng dugo ang bunganga nito. Napasiksik ako sa sobrang takot ko. Isang lambat ang biglang lumipad papunta sa lalaki kasabay ng paglitaw nina Tatay Herming at Zyair. Pinagtulungan ng mga itong igapos ang lalaki, nagwawala ito sa loob ng lambat kasabay ng hindi maintindihang ungol nito.
"Hindi ito maaari!" malakas na sigaw ni Herming. "Hindi pa gumagabi."
Ang titig ng taong ito, nanlilisik--animo'y gusto akong sakmalin nang paulit-ulit. Nahintakutan ako nang makita ko ang dugo sa damit ko at ang dalawa kong balikat--may kagat ako. Hindi! Ayokong maging halimaw!
"Zyair...Tatay H-Herming... A-ayoko pang mamataaay!" Kasabay ng sigaw na ito ang pagdilim ng paligid ko nang dahan-dahan. Wari'y hinihila ang lakas ko para patulugin ako. Natuon ang titig ko sa hayok na halimaw, kahit mukhang tao ito, nagmistula itong zombie sa paningin ko.
Nakita ko pa ang guwapong mukha ni Zyair na may pag-aalala sa mukha. Napangiti ako habang binabalik ang titig na iyon sa kanya. Siguro, sa kabilang ibayo na kami magkikita. Sabi nga ni Lord, may buhay na walang hanggan sa isang paraiso na walang kamatayan.
"P-paalam...Z-Zyair."
"N-Nelrose..."
Pinilit ko pang itaas ang kamay ko pero hinihila talaga ako pabulusok. Agad kong naibaba ito at tuluyan na ngang nagdilim ang lahat sa'kin. Naging kulay itim na ang paligid ko.
"Tay, sh**t! May k-kagat siya."
"Z-Zyair, hindi tao ito. Halimaw na ito...ang baril."
Nang pagmasdan ng binata ang lalaki, nangingitim na ang balat nito at ang hitsura nito, may mga ugat nang nagsusulputan sa mata nito. Isang putok ang umalingawngaw nang gawin ito ng binata kasabay ng pag-ungol ng kanilang panauhin