The billionaire's first love episode 16

2599 Words
"Diyan lang sa may malaking black gate, yung may babaeng naghihintay sa labas." habilin pakisuyu nito kay stephen. pag para roon ay agad naman bumaba si joela, kasunod ko at mariane. "Ginabi na kayo elo ha." untag ni ate lorie, na siyang nag memaintain nitong bahay nila joela dito sa makati. "may binili pa kasi kame sa mall, at kumain na rin pala kame ate lorie ha." masuyong sagot ni joela sa kasambahay nito. "buti at kumain na kayo kayo elo. hindi kasi ako nakapamalengke kanina. pag dating ko kasi rito nilinis ko agad ang buong bahay. masyado narin kasing maalikabok yung mga kwarto sa taas.nagka sakit kasi yung anak ko. kaya hindi ko na puntahan itong bahay ng isang linggo para maglinis." mahabang sabi nito. "Oo, nalaman ko yun ate, kamusta naman na si chin-chin? nakalabas na ba ng hospital?" si joela ulit. "naku iho, salamat sa diyos at nakalabas narin siya sa hospital, noon nakaraang araw pa." ginanap nito ang kamay ni joela sabay sabi. "hulog talaga kayo ng langit sa pamilya namin elo, pagpalain pa kayo lalo ng panginoon sa mabubuting puso niyo. lalo na kay maam at sir." naiiyakna sabi nito. "naku, ano ba naman itong si ate lorie, deserve niyo rin yung tulong na ibinigay ni mama at Papa dahil tapat at mabuti rin kayong empleyado nila mama at papa." mariing sagot ni joela rito. tumango tango ito. "pasok na kayo,ng makapag pahinga narin. asan na yung mga gamit niyo?" pagka sabing iyun, agad kameng lumingon sa gawi ng sasakyan, ng sa hindi inaasahan bitbit na pala ni Stephen ang dalawang maleta, at nakasukbit narin sa magkabilang balikat nito ang duffle bag ni mariane at iyung eco bag na may laman na pasalubong. nagulat kame at agad sana kukunin ang mga gamit dito ngunit tumanggi ito at nag boluntaryo na siya na ang magdadala ng mga iyon sa loob. "sino iyang artistang lalake na kasama niyo elo?" maang na tanong ng kasambahay. "kaibigan namin ate, diyan lang din yan nakatira sa kabilang subdivision." si joela. "sa kabilang subdi--? ibig mong sabihin sa forbes park???" namilog pa ang mga mata nito. "hindi yan artista ate, di hamak na mas gwapo pa yan sa kahit sinong artista. normal na tao at estudyante lang din yan gaya namin." "kaibigan niyo pala iyan, akala ko kanina nobyo nitong si scarlet." seryosong sabi nito. "ay si ate lorie nagpapatawa." sabi ko rito. "hindi naman ako komedyante scarlet para magpatawa eh, pansin ko kasi iba yung tingin niya sayo. parang ang saya ng kaniyang mata pag ikaw ang nakikita niya. panay sulyap pa. eh, hindi ba yan manliligaw mo?" si ate lorie ulit. may kung anong kuryente ang dumaluy sa aking sistema sa mga sinabi ni ate lorie. pareho kasi ang sinabi nito sa sinabi kanina ni mariane at joela sa restaurant. totoo ba? o baka na mimisinterpret lang nila ang magandang mata nito? naguguluhang untag ko sa aking isipan. Nang maipasok na lahat ng gamit sa loob ng bahay, agad naman nag offer si ate lorie ng juice at ube cake na binili niya raw kanina sa bakery malapit dito sa subdivision. tumanggi naman si stephen dahil busog na raw siya. at sa pag aakalang uuwi na ito. "aalis narin ata siya ate, may lakad pa po siguro." pagpaliwanag ko kay ate lorie. napansi ko na parang tumingin ito sa akin at bahagya pang nangunot ang noo. sa isip ko, may mali ba sa sinabi ko? "so you're still staying? hindi kapa sasabay sa akin pauwi? it's already 10pm scarlet. mahihirapan kana humanap ng masasakyan pauwi. and worse baka psycho pa ang driver." he worriedly said. with both of his hands on his waist. "tama naman siya girl, nakakatakot kung mamaya kapa uuwi." si joela. "eh pano kayo? tutulungan kopa kayo mag ayos dito." pangangatwiran ko. "andito naman si ate lorie, at kaya naman namin na ito dalawa ni joela. bukas nalang natin ituloy, Anyway, may lakad naman tayo bukas diba?" si mariane. "nakakatakot sa labasan kapag ganitong oras na, lalo't maganda kapa scarlet at bata. kame na ang bahala rito. sumabay kana. " pagpipilit ni ate lorie. napa isip tuloy ako. tama nga, baka kung mag stay pa ako, at ihahatid nila ako mamaya sa sakayan sa labas pano naman ang pabalik ng mga ito. "okay fine, kukunin ko lang yung bag ko sa dining. basta bukas maaga andito na ako okay? para mas maenjoy natin ang buong maghapon na lakad. " sabi ko habang naglalakad patungo ng dining. "oo dapat maaga, matutulog narin kame nito pagka toothbrush at hilamus." si joela. "wala naman din na pala tayong aayusin at lilinisin, nagawa na ni ate lorie. " wika ni mariane habang naka sunod sa amin palabas ng pintuan ng bahay. "yun nga, okay, goodnight na!" beso ko sa mga ito sabay talikod na. Nakaalis na kame ng tumawag si mariane, nakalimutan raw namin ang mga pinaminili na panlutog kanina. nalito tuloy ako. akala ko kasi kay mariane iyun, at sino naman ang pinambili niya ng terno na puro pambabae? siguro mga 10 sets iyun na iba-iba desenyon at kulay ang mamahal pa naman. kina carmie at precilla ba? regalo sa birthday? habang nag-iisip ako sa mga possibilities kung para kanino niya iyun ibibigay ay nagsalita ito. "Do you want to have some hot choco and donut before heading home? i know a place,malapit lang din yun sa atin." tanong nito sa akin, at agad ko naman ito nilingon at sumagot. "akala ko ba busog ka na? nag offer si ate lorie kanina ng hot choco at cake tumanggi ka?" nalilitong sagot ko. "well......nagutom ako bigla. and I'm craving for their alcapone donuts." ngumusu pa ito bago nagsalita. "paborito din yan ni lola isay. we'll take away some for her too. " tuloy pa nito. tinignan komuna ang relo bago ko ito sinagot. "Open paba yun? mag-aalas onse na ng gabi." nag-aalalang sabi ko "scarlet, i know that place. nakabukas payun. we own that building and james own the place." paninigurado nito. Pag-abot namin sa lugar, busy pa nga ang mga tao dito. may magbabarkada na nag chi-chill lang sa labas ng cafe, may mga magjowa at may mga grupo din na parang nagcocoffee break lang. sa tapat mismo ng cafe pinark ni Stephen ang sasakyan, pagka park agad kona binuksan ang pinto at bumaba. nakita ko pa ito sa peripheral vision na parang nailing pa. hindi kona iyun pinansin. naglalakad na kame paloob ng cafe nang may tumawag rito. "Sven! long time no see, how are you?since when did you came?" boses ng lalake. "Jake! nice seeing you man." nag fist bump sabay bro hug. "just arrived couple of days, needed to fix something here, I'll be back as soon as I'm done with it." sagot naman nito sa lalake. "who's the pretty lady? is she the one?" tanong muli nito habang sinisipat ako mula sa likuran ni Stephen. sinadya ko kasi magtago, pero i guess, impossibleng hindi nga ako makita doon. "Ah, yeah! scarlet, this my friend, jake. jake, i want you to meet scarlet." pagpakilala nito. tipid lang ako ngumiti rito sabay "hello, nice meeting you." "nice to meet you too, scarlet. " sagot nito pagkuway bumaling kay Stephen at hindi nakaligtas sa tenga ko ang sinabi nito. "you're one lucky man!" "Scarlet? is she perhaps your?" si jake muli na parang naguguluhan sabi nito. "bro, we have to go. she's craving for the donut." pagputol nito sa sasabihin ng kaibigan. at agad akong iginiya paloob ng cafe. "hindi pa naman ako nagugutom ah, may sasabihin pa ata yung kaibigan mo, iniwan mona agad." seryosong sabi ko rito. "wala naman yun seryosong sasabihin. hayaan mona. andun din naman mga kaibigan niya." sagot nito. Habang nakalinya sa counter, kame na ang sunodna mag-oorder, sinabi kona sa kaniya na siya na lamang ang mag-oorder ako naman ang hahanap ng mauupuan namin,ayaw naman. magkasama na lang daw kame humanap. "Sir sven!!!" tili ng babae sa cashier. "hey, mabel! how's work doing? " nangingiting sagot naman nito sa babae. "hala sir, sven. kayo ba talaga yan? for good naba kayo dito? kelan lang kayo nakabalik?" sunod-sunod na tanong nito. "no, just staying here for awhile. may aasikasuhin lang, babalik din ako agad." masuyong sagot nito. "eh sir, pano ba yan? sabi niyo po dati, kapag bumalik kayo rito na may kasamang babae, eh siya na ang forever niyo? so ibig bang sabihin yan, siya na?" intrgerang tanong muli nito sabay palipat lipat ang tingin nito saamin ni Stephen. lumingon muna ito sa akin bago sinagot ang babae. "mabel, it's a personal matter. she's a private person. kaya give her some privacy. malalaman niyo naman balang araw kapag nagkatuluyan kame." seryosong sabi nito kalauna'y ngumiti rinsa babae. napa halukipkip naman ako sa sinabi nito feeling ko kasi may kung anong humaplos sa aking puso. ano bang ibig nito sabihin? "ay, sorry po miss. scarlet, minsan kasi itong bunganga ko walang preno. pero miss. swerte kana diyan kay sir sven, super bait, gwapo at higit sa lahat wala pa naging nobya.dahil loyalista yan!" mariing sabi nito. nagulat pa ako kung bakit niya alam pangalan ko. nakalagay pala sa cup ng inumin namin ni sven ang name. pilit na ngiti lang ang sagot ko sabay lingon na paltalikod dito. Napili ni Stephen ang two seater table with umbrella sa gilid ng cafe, wala masyadong tao roon dahil na siguro sa romantic setup nito at dalawa lang ang upuan. hindi naman din ako nailang. dahil nakita ko naman yung ibang tables na puno, at ang ingay sa gawing iyon. dito kasi, subtle lang ang music at mas presko ang hangin dahil sa open space ito at may mini water fountain pa. may mga fairy lights din na nakasabit sa mga sanga ng puno at sa mga bushy garden nito. ang sarap sa pakiramdam ang hangin nito at tunog ng water fountain nakakarelax talaga. "Do you like it here?" tanong nito. "hmmm, maganda at nakaka relax ang lugar." sagot ko naman. "good to know. that i still know what you like." sagot nito. na agad kong tinignan. what did he mean by that? naguguluhang tanong ko sa aking isipan. at hindi kona napigilan hindi itanong. "anong ibig mong sabihin? na alam mo parin ang mga gusto ko?" wondering question ko. hindi agad ito nakasagot, tumuwid muna ito sa pagkakaupo pagkuwa'y uminom ng inumin. masuyo itong ngumiti bago ako sinagot. "you haven't remember anything don't you?" naiiling na sabi nito. "remember what?" muling tanong ko. "i remembered everything about that day, we sneaked out of the mansion with my bike. dahil sabi mo gusto mong kumain ng cotton candy and you wanted to go to the park dahil gusto mong mag slide. pagdating natin sa park wala pa yung nagbebenta ng cotton candy, and you cried hysterically, i was panicking dahil tinitignan na tayo ng ibang bata and mga yaya nila. buti nalang may nagbebenta ng ice cream and that calmed you down. i was so happy that day, kasi, para ako naging independent mature little boy dahil sayo. kasi you are my responsibility that day. dahil tinakas lang kita." natatawa at naiiling pa na kwento nito. i was shocked to what he'd said, we were that close? and to my realization, he was so happy dahil, he felt mature and responsible because of me? what should i feel about this realization? do i need to feel awkward? dahil hindi na kame ganun? but still, he openly told me about it without hesitation and awkwardness, so, should i feel the same way? is it about time to be casual lang? he then continued the story, i was still kind of shock. kasi i don't know what to answer and how to act about it. --- Pagkababa ko ng sasakyan dederetso na sana ako ng main door papasok ng mansyon nang bigla itong mag salita. "Uhhmm, i wanna ask you something? Okay lang kahit you won't agree. At least, i tried at makakatulog ako ng maayos tonight." nagco-contemplate na itsura nito sa tanong. Nilingon ko ito at sinagot ang katanungan. "Okay lang, ano ba ang iyong tanong?" Sagot ko naman Rito. "uhhhmmm, ano kasi, uhm... would you mind if I'll join you tomorrow? With your friends?" nagdadalawang isip na sabi nito. Napaisip tuloy ako sa tanong na iyon, gusto kong mag agree, pero baka may lakad ito at baka siguro nag-aalala lang ito dahil wala kameng sasakyan at mapapamahal kame sa pamasahe kaya naisip niya nalang na sumama? Ang daming pumapasok na bakasakali sa aking isipan nang nag salita itong muli. "Don't worry, wala naman akong lakad bukas and in fact, gusto ko rin naman mamasyal, kasi in few weeks time babalik na rin ako ng Australia." masuyong sabi nito. Napaisip ako sa sinabi nito, oo nga pala babalik pala ito sa Australia, pero parang wala naman ito masyadong ganap sa buhay, kundi ang mamalagi lang sa bahay. Boring nga ang stay nito sa pilipinas kunh hanggang sa pag balik ay umiikot lamang sa mansyon ang mga mata nito. "Hmmm, sige, basta ba hindi kame nakaka istorbo sa'yo ha." paninigurado ko rito. "of course not, i was the one who offered you this, so why would you feel that nadidistorbo niyo ako. I'm good with everything you say or do." sagot nito. "okay then, kitakits tomorrow?" nangingiting sabi ko rito. "sure thing! See you, and goodnight scarlet." nginitian ko ito sabay lakad na papunta ng main door. Bubuksan ko na sana ang knob ng pintuan nang nagsalita nanaman ito. "By the way, i forgot to ask. What time should we leave the house? So i can set the alarm?" "7 am, kung kaya niyo pong gumising? If hindi naman, okay lang talaga na--" hindi ko na naituloy ang sasabihin because he cut me off. "*shhh, shhh, i was asking nga right? Para makapag alarm ako ng mas maaga, don't say anything already, Sasama ako whatever happens. I meant every word i say okay? So when i say, sasama ako. That's final! Go ahead, good night." tumango na lamang ako. Pagkapasok ko ng mansyon dumeretso ako sa kusina upang hanapin si lola, kaso mukhang tulog na dahil mag-aalas dose na ng madaling araw. Umakyat na lamang ako sa aking silid ng maka pag hilamos at maka palit narin ng pantulog. Habang nasa kama at sinusubukan kong matulog, pero ayaw parin akong dalawin ng antok, kung sa pagod, sobrang pagod ko sa buong araw na lakad, pero hindi ako makatulog. Naisip ko na lamang bumaba ng kusina at iinom ng gatas. Habang papalapit na ako ng kusina, may naririnig akong ng mga boses babae, at lalake nag kekwentuhan at nagtatawanan pa ang mga ito, Naisip ko baka sina carmi, stella at sina james ata. Pagka pasok ko pa lamang bungad ng dining area si lola agad ang aking nakita, at sina aling ina at si Stephen masaya ang mga ito at kumakain ng kung anong nakalagay sa mesa. "oh scarlet apo, gising ka pa pala? Akala ko tulog kana kaya hindi na kita ginising para mag midnight snack. Halika, kukuhanan kita ng platito ng matukman mo itong paborito ko na dala ni Stephen," tukoy nito sa donut na binili namin ni Stephen kanina pauwi, sabi kasi nito na paborito nga iyon ni lola. "hindi na la, busog pa talaga ako, hindi lang ako makatulog kaya bumaba ako para gumawa ng gatas na maiinom." sagot ko kay lola. Tumango ito at tumayo sa upuan papuntang kusina para gawan siguro ako ng gatas, pero pinigilan ko na si lola, dahil kaya ko naman gumawa nun. At masaya pa silang nag kekwentuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD