"Naku, okay lang," sabi ni Tayla kay Emma.
At dahil naghihintay sila ay naisipan ni Tayla na tanungin si Emma tungkol kay Julia. Hindi sa pagiging chismosa ang peg niya pero gusto niya lang na may makausap. Dahil magmula ng kasama niya sina Emma at Julia ay hindi nila napag-usapan ang kanilang personal na buhay.
"Emma, may boyfriend pala si Julia?" patanong na wika ni Tayla kay Emma.
"Ah, oo," sagot naman ni Emma. "Bakit mo naitanong?"
"Wala naman... Actually, ngayon ko lang nalaman na may asawa ka na, at si Julia naman ay may boyfriend," dahilan ni Tayla. Napahigpit siya ng hawak sa handle ng kanyang shoulder bag.
Natawa naman si Emma sa kanyang sinabi. "Alam ko naman na mukha lang akong bata pero may asawa na 'ko," bilib na sabi nito sa sarili.
At hindi rin inaasahan ni Tayla ang itatanong sa kanya pabalik ni Emma.
"Ikaw? May boyfriend ka na?" tanong ni Emma.
Umiwas si Tayla ng tingin kay Emma. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang handle ng bag. Huminga siya ng malalim.
"Wala. Single ako," simpleng sagot ni Tayla.
Napansin naman ni Tayla ang pagkagulat sa mukha ni Emma sa kanyang isinagot, at napatakip pa ito ng bibig.
"Di nga? Seryoso?" Hindi pa rin na makapaniwala na sabi ni Emma.
Pinipigilan ni Tayla ang ngumiti kahit halata sa kanyang mukha na natatawa siya. Tumango siya kay Emma. "Totoo nga... Alam kong isa ka sa hindi maniniwala," aniya.
Inalis naman ni Emma ang pagkakataakip sa bibig nito. " Pero nagkaroon ka naman ng boyfriend?"
Tumango muli si Tayla bilang sagot. "Hm, Noong college ako, secret relationship lang... After college naman ay long distance relationship naman sa pangalawang ex-boyfriend ko."
"Ay, anong nangyari sa mga nakarelsyon mo?" curious na tanong pa ni Emma.
"Iyong una, noong nag-aaral pa 'koay ayaw ng parents ko na mag-boyfriend ako. Dahil nakakasira daw sa pag-aaral. Pero dahil matigas ang ulo ko ay sinubukan ko. Pero hindi rin nagtagal ang amingn relasyon dahil hindi ko kayang ipagsabay ang pag-aaral at ang pakikipagrelasyon... Nawala rin ang nararamdaman ko sa una kong ex-boyfriend," kwento ni Tayla.
Hindi nagtuloy ng kwento si Tayla dahil baka may itatanong si Emma sa kanya. Ngunit wala naman at mukhang nakikinig lang ito sa kanya. Kaya naman ay ipinagpatuloy na lang niya muli ang kwento.
"Iyong pangalawa naman ay nasa ibang bansa. Foreigner siya." Tukoy ni Tayla kay Brandon na pangalawang ex-boyfriend niya.
Ipinagpatuloy pa ni Tayla ang kwento. "Nagkakilala kami sa 'dating app'. Hindi rin kami nagtagal dahil nagsawa na siya at akala ko rin na lahat ng sinabi niya sa akin na magsasama kami at magpapakasal ay hindi nangyari." Mapait na ngiti ang ibinigay niya kay Emma.
"How sad naman... Pero may communication ka pa diyan sa dalawa?" tanong pa ni Emma.
Napangiti ng bahagya si Tayla. "Wala na."
Natigil rin naman ang komuikasyon ni Tayla kay Brandon. Kaya tama lang iyon ang ikwento niya kay Emma. At isa pa, hindi niya na rin binanggit si Zachary na pangatlo niyang ex-boyfriend. Dahil para sa kanya ay hindi ito naging seryoso sa kanya--- na hindi siya itinuring ni Zachary bilang nobya; kundi ay isang pampalipas oras laamang. Hindi niya na rin binanggit ang ibang lalaking nakilala niya sa 'dating app' dahil ang mga sumunod na lalaki na pumasok sa buhay niya ay mga hindi talaga seryoso sa kanya.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang asawa ni Emma. Sumakay na silang dalawa sa sasakyan at umuwi na sila.
***
LUMIPAS ang isang buwan, naging maayos naman si Tayla sa trabaho niya. Para na silang pamilya sa kanilang department. May mga nagtatangka rin na manligaw sa kanya ngunit ni-re-reject niya ang mga ito. Samahan pa ang pag bisita ni Mr. Buelo sa kanilang opisina.
Nawala ang paghanga ni Tayla kay Mr. Buelo. Nawala na rin ang pagkailang niya kay Mr. Buelo. Magmula nang nilibre siya noong bago pa lang siya sa kumpanya ay akala niya na may ibang pakay sa kanya ito. Pero sa nakikita niya sa loob ng isang buwan ay hindi lang sa kanya ito ganoon. Pati na rin sa iba nilang katrabaho. Masasabi niya na napakabait ni Mr. Buelo.
Ngayon na pagpasok ni Tayla sa trabaho ay hindi naman pumasok ngayon si Emma sa kadahilanan ay may sakit ito. At pagkatapos ng trabaho ay niyaya lahat ang Hr Department ni Mr. Buelo na kumain sa labas. Ngayon ay nagtungo na sila sa restaurant na pina-reserve ni Mr. Buelo--- na hindi naman kalayuan sa kanilang building.
Sa restaurant, hindi nag-e-enjoy si Tayla kasama ang mga katrabaho. Wala lang siya mood ngayon. Well, gusto niya lang umuwi ng maaga pero ang ending ay sumama pa siya kina Mr. Buelo. Isa pa sa pinoproblema niya ay ang pag-commute niya. Hindi niya alam kung may masasakyan pa ba siya ngayong oras. Hindi pa siya nakapag-commute ulit dahil nasabay lagi siya kay Emma sa pag-uwi.
Alas onse na ng gabi, pinoproblema pa rin ni Tayla ang pag-uwi niya.
"Tayla."
Lumingon si Tayla sa taong tumawag sa pangalan niya. Si Julia na naupo sa tabi niya.
"Ang lonely mo naman, Girl. May problema ka ba?" pag-aalala na sabi ni Julia.
"Ha? Ano kasi... Iniisip ko kasi 'yong masasakyan ko mamaya. Alam mo naman, absent si Emma. Kaya hindi ko alam kung may masasakyan ako sa ganitong oras," diretsang sabi ni Tayla kay Julia.
Lingid sa kaalaman ni Tayla ay naririnig sila ni Mr. Buelo na hindi kalayuan ang kinauupuan sa kanila.
"Naku, sumabay ka na lang sa akin. Susunduin ako ng boyfriend ko. Hinihintay ko lang siya ngayon. Ihatid ka na lang namin kung saan ka malapit," pagpresenta ni Julia.
Agad na tumanggi si Tayla. "Huwag na, Julia. Nakakahiya sa boyfriend mo."
"Ako na lang maghahatid kay Tayla," pagsingit ni Mr. Buelo sa dalawa.
Napalingon naman sina Tayla at Julia kay Mr. Buelo.
"Ayan na... Nagpresenta si Mr. Buelo. Safe ka diyan kay Sir," prenteng sabi ni Julia kay Tayla.
Wala ng magawa si Tayla kundi ang pumayag na lang na maihatid ni Mr. Buelo. Hindi na siya makatanggi dahil nang subukan niya kanina na tumanggi ay mapilit pa rin si Mr. Buelo sa kanya na maihatid siya nito.
"Nandito na ang sundo ko. Paano, Tayla, mauna na 'ko," pagpaalam ni Julia.
Dumating na kasi ang boyfriend ni Julia at naghihintay na ito sa sasakyan.
Ngumiti lang si Tayla kay Julia at tumango lang siya bilang sagot. Sinundan niya lang ng tingin si Julia hanggang sa makalabas ito ng restaurant. Hanggang sa makasakay ito ng sasakyan.
Nang makita na ni Tayla na nakasakay na si Julia ng sasakyan ay ibinalik na niya ang tingin sa kanilang table. Pero agad naman siyang niyaya ni Mr. Buelo na umuwi na.
"Ihatid na kita, Tayla," wika ni Mr. Buelo.
"Ay, sige po, Sir," may pagkailang na sagot ni Tayla.
Sa highway, habang nasa daan sila ay nagkwentuhan lang silang dalawa. Sa loob ng isang buwan ay hindi niya alam ang personal na buhay ni Mr. Buelo.
Nalaman ni Tayla na pamilyadong tao si Mr. Buelo. May isang anak din ito na nasa sampung taong gulang na babae. At higit sa ipinangamba ngayon ni Tayla ay paano kung malaman ng asawa ni Mr. Buelo na hinatid siya nito. Maaaring kung ano ang isipin sa kanya.
Naalala ni Tayla noong gumamit siya ng 'dating app' ay madami siyang nakilalang lalaki na nagpapanggap na single. At inisip niya rin na kahit na kaharap niya na ang isang tao ay mapagpanggap pa rin ito.
Napailing ng ulo si Tayla. Mali ang kanyang pag-aanalisa. Dahil never nagbanggit sa kanya si Mr. Buelo ng status nito, dahil personal na iyon at labas na sa kanilang trabahao.
"Sir, baka po magalit ang asawa mo," nasabi na lang bigla ni Tayla. Para siyang nagsalita na animo'y may ginawang kasalanan.
Natawa naman si Mr. Buelo sa sinabi ni Tayla. "You know what, I really have a problem with my wife."
Hindi nagsalita si Tayla. Nagulat na lang siya nang mag-open si Mr. Buelo sa kanya.
"I love her... Pero napaka-toxic na ng relasyon namin... Lagi niya kong pinaghihinalaan na may ibang babae. Pinaghihinalaan niya ko pero 'yon pala ay siya itong may iba," malungkot na kwento ni Mr. Buelo.
Hindi naman nagtanong si Tayla tungkol sa estado ng relasyon ni Mr. Buelo at ng asawa nito--- kusang si Mr. Buelo na mismo ang nagbanggit nito.
Nalungkot si Tayla sa narinig niya. Naisip niya na maaari pang maisalba ang relasyon ni Mr. Buelo at ng asawa nito.
"Sir, what if i-surprise mo siya. Iyong paano mo siya noong unang nakilala," suhestyon ni Tayla.
"Naisip ko na 'yan... Pero baka hindi lang maganda ang kalalabasan," may pag-aalinlangan sa mukha ni Mr. Buelo. "Kahit na gusto ko na magsimula muli kami alang-alang sa aming anak."
"Wala naman mawawala, Sir. Kung hindi mo susubukan. At least, kapag sinubukan mo ay at least ipinaramdam mo na siya lang at mali ang pinaparatang niya sa iyo," pagkukumbinse pa ni Tayla.
Natawa naman si Mr. Buelo. "You know what, Tayla, kapag may pamilya ka na ay maiintindihan mo na... There's a thing that a wife will never believe you anymore if you do a mistake in the first place... Kahit na wala akong ginawang kasalanan ay ganoon pa rin iyon."
Naiintindihan ni Tayla ang sinabi ni Mr. Buelo. Tingin ni Tayla na hindi nagkaintindihan si Mr. Buelo at ang asawa nito. Kaya naman ang tiwala ng asawa ni Mr. Buelo ay nawala na.
"Pero... May nagawa ka po bang ikinawala ng tiwala ng asawa mo?" curious na tanong ni Tayla. Gusto niyang makatiyak dahil ang unang sinabi ni Mrr. Buelo sa kanya kanina ay wala siyang nagawang kasalanan.
Hidni sumagot si Mr. Buelo sa sagot ni Tayla. Tila gusto nang bawiin ni Tayla ang tanong niya dito. Naisip niya na parang nanghihimasok na siya sa buhay nito.
"Okay lang, Sir, kung hindi mo sagutin," pagbawi ni Tayla.
"It's okay... Dahil sa tinanong mo 'yan ay bumalik sa akin ang mga nakaraan. Aaminin ko na nagkasala ako sa asawa ko. Mali ko 'yon at nagpatukso ako," sagot ni Mr. Buelo.
Pansin ni Tayla ang paghinga ng malalim ni Mr. Buelo at ipinagpatuloy lang ang kwento.
"I was at your agae, nang maging mag-asawa kami. I got a new job. Well, I say that I am lucky that time. Walang problema. Hanggang sa, may isa akong katrabaho na inakit ako. Nagpadala ako sa mga pang-aakit niya. At sa mga hindi dapat na mailabas na problema naming mag-asawa ay naikwento ko sa babaeng iyon. Nang matuklasan ng asawa ko ang relasyon namin ng babae na 'yon ay sobrang nagalit siya. Lalo na at ang problema nga namin na sa amin lang dalawa ay naikwento ko pa sa babaeng iyon noon. Malaki ang pagsisisi ko hanggang ngayon," mahabang kwento ni Mr. Buelo.
"Sir, nakakalungkot ang iyong buhay. Huwag kang maag-alala, Sir. Hindi ko ipagsasabi ang nalaman ko," saad ni Tayla.
Ngumiti ng bahagya si Mr. Buelo. "Salamat... Pero kaya siguro gumaganti siya dahil doon. Kahit na matagal ko ng pinagsisihan iyon." Habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
Hindi nagsalita si Tayla. Napalingon siya nang magsalita muli si Mr. Buelo.
"Alam mo, kahit anong mangyari... Sa pamilya mo pa rin ikaw uuwi kahit lugmok ka na at nagkasala ka na. Saka mo lang mare-realize sa huli na sila ang totoong nagmamahal sa iyo, at hindi iyong pansamantala mo lang nakilala," pangangaral ni Mr. Buelo.
Napangiti naman ng bahagya si Tayla sa sinabi ni Mr. Buelo.
"Pero, Sir... Iyon ba ang unang ginawa mong kasalanan o may nauna pa?" tanong pa ni Tayla.
"Wala na. Iyon lang ang una at huli na nagawa kong kasalanan... Saka ko na-realize noong edad kong iyon ay nakalimutan kong may pamilya ako. Kumbaga, kahit na itinapat ko ang sarili ko sa araw ng kasal namin noon na hindi magkakaroon ng isang taong magiging sanhi ng problema namin... Pero isa iyon na pagsubok sa buhay na mag-asawa. At bilang ganti ay ipinaranas niya sa akin kung gaano kasakit ang makita ang asawa na may kasamang ibang lalaki," malungkot pa rin na kwento ni Mr. Buelo.
Ramdam ni Tayla ang sakit na nararamdaman ni Mr. Buelo. Pero parehas na may mali sa mag-asawa. Nagtaksil si Mr. Buelo pero gumanti naman ang asawa nito--- na hindi naman magandang ganti ng asawa ni Mr. Buelo na magloko rin.
Hindi rin nagtagal ay naihatid na si Tayla ni Mr. Buelo sa bayan kung saan siya binaba nito noon. Bumaba na siya at nagpaalam na siya kay Mr. Buelo.