THE REUNION

1991 Words

EMBERLYNN’s POV: Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Jenna sa akin. Ang ganda niya lalo. Kulot ang buhok nito, mapupulang mga labi at mapupungay na mga mata. Parang hindi na ako makahinga dahil sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. “Len-len ikaw nga!” Bulalas niya. “Ako nga, pa—paanong nandito ka?” Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya. Hindi sa ayaw ko siyang makita. Pero hello!? Sa lapad ng Pilipinas nandito rin siya sa Vigan. “Akala ko nga namamalik mata lang ako kanina, nang nasa karinderya ka! Tatawagin sana kita pero hindi ko nagawa! Ang bilis mo pang nawala sa paningin ko kaya akala ko pinaglalaruan lang ako ng aking mga paningin. Pero totoo ka nga!” Talon pa ng talon si Jenna. Naiiyak na rin siya. Masaya naman ako na makita siya pero, iiyak talaga? “Oh, bakit umiiyak ka?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD