RAIDER’s POV: AFTER FIVE YEARS… “Daddy! Daddy!” Matinis na sigaw ni Amber, atungal nakakaiyak. Hindi ko alam kung anong ginawa na naman ng kanyang kuya Rem. Parang mga aso’t pusa. “Kuya Rem took my Barbie and put it up!” Sumbong niya sa akin. Pagtingin ko sa oras, alas otso pa lang ng umaga, araw ng Sabado ngayon kaya walang pasok. Emz is still sleeping kagabi pa nagrereklamo na masakit ang ulo niya. “Piglet, baka kasi gusto lang hiramin ni kuya Rem laro ng hide and seek?” Hindi ko alam saan galing iyon sinabi ko kasi lalong umatungal. She’s three parang matanda na siya kung magsalita. “No! No! Akin iyon! Akin! Bakit niya kuha!” Natampal ko na lang ang aking noo, dahil sobrang maldita ng anak ko. “Amber?” Oh, thank God gising na ang asawa ko. “Good morning sweetie,” sabay halik k

